Not enough breast milk

Mga mumsh a little help. Sinabihan ako ng hubby ko ko daw nasasatisfy ung lo namen sa breast milk ko. Pinupush ko na pure BM na si lo at nakaka -4oz naman ako kapag nagpupump ako (both breast na ung 4oz). Hindi daw dumidighay ng malakas ung anak namen kaya mas maganda daw iformula daw niya. Almost 1 month palang si lo ko and hearing from that from my hubby nakakadepress. 🥺🥺🥺

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi naman talaga dumudighay ang breastfed babies, yung anak ko pure breastfeed nung nagsolids lang saka ko lang narinig na dumighay. Educate mo husband mo na hindi dighay ang basehan para masabi nya na di nabubusog ang baby mo sa bm. Baka pag bumibili na siya ng formula, mangamote siya sa mahal ng gatas ngayon.

Magbasa pa