Milk Supply

Mga mumsh, ang konti lang po ng milk supply ko parang nagagalit si baby dahil konti. Any recommendation para mejo dumami?#1stimemom #firstbaby #advicepls #breastfeedbabies

Milk Supply
14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Unlilatch is key. Basta gusto dumede, padedehin. And believe na may gatas ka. Partially psychological din kasi ang breastfeeding. Pag naistress kang kakaisip na wala kang gatas, mawawalan ka talaga. Ganun nangyari sakin nung 2 weeks pa lang si baby ko. Sa tulong ng tamang mindset, more water, and malunggay everything,back to EBF kami at 3 mos.

Magbasa pa

Ilang days/weeks na po si baby? Minsan po kasi ilang days pa after manganak tsaka lumalakas ang supply. Drink lots of fluids po, kain ng healthy food, and nurse often. The more na dumedede sya, masmagpo-produce po kayo. If kulang pa rin po, ask your pedia po for formula recommendation, wala naman pong masama mag-supplement ng gatas :)

Magbasa pa

Unlilatch lang Momsh. Padede lang po nang padede. Habang nataas demand ni baby sa milk mo, tatas rin supply mo. Pwede ka rin magpump after latch to trigger milk production. Ako po, exclusively pumping lang kasi inverted nipples and nahihirapan maglatch si baby. so far, okay naman po supply ko. Sapat po para sa consumption ni baby.

Magbasa pa

unlilatch mo lang po. the more na nagpapadede ka the more na dadami supply. kahit di gutom si baby pasipsip nyo parin. more water po. before and after padede inom po water then take natalac twice a day a super effective. ito na po akin @1mos. dati di ako makaabot 1 oz.

Post reply image

more water po lalo ngayon sobrang init po sa tanghali, tas sabaw po with malunggay and seashells na masasabaw.. milo dn po at mega malunggay capsule.. unli latch lng po feeling mo po wala sya nadedede pero meron po yan basta think positive lng po para dumami pa milk nyo po..

take malunggay capsule, drink more water 😉 ganyan din ako before kaya may reserve si baby na formula milk kase wla sya madede sakin. Pero now nasisiyahan na sya nalulunod pa sya minsan sa gatas ko haha!

VIP Member

Nag take agad ako ng natalac nung nanganak ako. Alaga din ako ng mil ko sa sabaw at dami foods lagi pinapakain sakin. Inom din ako ng inom ng water. Pero yung natalac talaga naka help sakin

VIP Member

unli latch lang mami. tas wag ka paka stress. drink lots of fluids, Milo will also help, and oatmeal. then syempre malunggay ☺️

TapFluencer

unlilatch lang para mag send siya ng signal sa body mo na need nya ng more supply . drink plenty of water din ..

Kumain kapo ng masabaw na pagkain at mdadahon like malunggay leaves po