Paglulungad sa ilong
Mga mums ! Mukhang lungarin tung baby ko. pagkainom ng gatas, nagpapaburp naman ako, minsan nagbburp siya, minsan naman nakakatulog siya pero hindi ko siya agad binababa, mga 30 to 1hr before ko siya ibaba. tapos maya maya lulungad. minsan kasi sa ilong lumalabas, hindi siya agad nakakahinga. Nakakataranta ! hays. Isang beses, para siyang bigla nasamid ng lungad niya. as in naghahabol siya ng hininga niya, nagbubula yung bunganga niya ng laway kasi doon siya humihinga. Naluluha na din siya (na dapat wala pa naman kasi 1buwan palang siya) tinakbo namin sa ER at pinasakan siya ng oxygen. Umokay po siya. Nasamid lang talaga siya. 😔 Kaya nag aalala ako sa lungad niya na lumalabas sa ilong, tapos parang may sipon pa siya. 😔