17 Replies

Hello mga my, I already had my check up earlier, and my dermatologist do not give me any steroidal cream since ayaw nyang I risk ang health ni baby, she recommended mild liquid soap only, no to bar soap since it will cause more irritation to my skin, she advised not to used any soap na may added content daw... Like oatmeal, milk, or any fragrances kasi this cause irritations too... She also advised na istop ko Benadryl tablets, since hindi naman daw allergy or histamine ang cause ng mga rashes ko at it because of our baby in our tummy, so it will not treat or make an effect to us, aantukin lang daw tayo, and it is not good to take oral tablets daw pag pregnant, unless mga prenatal vitamins sya... PUPPP has no treatment daw po talaga, and it is one of a mother's sacrifice for her baby, part daw sya ng pregnancy journey ng iba... So what I just need to do daw is to wait until my baby's out, though she gave me a non steroidal lotion na pwede ko iapply anytime, kahit ilang beses daw, once na mafeel ko na parang nadadry ang balat ko, maglagay daw ako agad... Kasi severe dryness daw talaga ang nagkocause ng itchiness, kaya pinastop nya na din sa akin ang calmoseptine, kasi sabi ko when I am using it, nakakarelieve ng kati kasi may cooling effects sya pero pag nagdry na sya mas nagiging makati, that's because nadadry nga daw lalo ang skin... I post the lotion she recommends and ang bath soap na ni recommend nya muna sa akin ay J&J original, yung light blue color po, I can try naman daw ang aveeno and pbysiogel pero mahal nga daw po kasi sila so magstart muna daw ako sa Johnson, 😆 para di gaano kapricey... I share this para sa mga future mommy na makakaexperience din nito... Praying naman na sana di nila maeexperience kasi sobrang hirap... Thanks sa lahat ng advises nyo mga my... ❤️

Yes mi, she also advised a hypoallergenic diet po, sobrang dami ng bawal kong kainin... 😅

kinati mo ba sya ng kinati? kakalat talaga yan. i have some rash mga mga sumusulpot lang then nawawala din on their own hinahayan ko lang kasi. currently im using sulfur soap.. palmers theraphy oil and belly butter sa gabi to moisturize. cut your nails.. maybe your derma will prescribe you a steroids cream na the strong one. also if you use a oatmeal soap choose the colloidial one yung solid at organic talaga..

Yes my, nakakamot ko tlaga, sa super kati nya, can't help but to scratch it talaga... 😢

same tayo miiii ako sa mula braso hanggang singit mukha nakong dalmatian at puro patche patche na ko. kala ko nung una kagat kagat lang ng lamok pero neto lang napansin ko kahit naman nakakumot nako meron padin kumakati din sya. diko pa pinaconsult kse nasaisip ko baka di naman sya rashes sa pregnancy baka kagat lang. kaso ayun nga dumadami talaga sya. pinapahidan ko lang oil pag gabi kse makati sobra.

nagkaganyab sin po ako nung 5th month pregnat ako. gawin mo po mag baking soda bath ka. gawin mo xa parang paste then apply sa area na meron..leave it for atleast 5mins..then rinse nio tas gamit ka ng aveeno relief wash then after bath apply vco oil. walang dark marks na naiwan sakin.ganito po itsura nung sakin, halos buong katawan ko meron tas sobrang kati nya..wag nio din kamutin kasi lalo xa dadami.

nalimutan ko gumamit ako ng grandpa pinetar soap..un muna then baking soda paste tas aveeno relief wash. tas VCO after bath 🙂

Try mo pahiran ng bio oil mi, kase ako may ganyan ako sa dibdib nilalagyan ko bio oil nawawala din, sa mga singit kilikili ko nilalagyan ko bio oil and effective naman di masyado umitim tulad ng iba, pati s tyan ko lalagyan korin bio oil para di magka strechmark,, pero dikopa nasubukan kase wala pako strechmark pero pagnagkataon yun din gagamitin ko effective kase sya pampa wala ng scar

TapFluencer

Mii dont use oatmeal soap kasi nag ccause din sya ng irritation dyan. Try mo po Cetaphil pro AD Derma skin restoring wash and moisturizer po medyo pricey nga lang pero tanggal po kati nyan. Or mas cheaper option dove sensitive and cetaphil moisturizer cream unscented saka po clobetasol.

Pwede ba clobetasol sa pregnant? Steroids sya

TapFluencer

eto effective kahit expensive. try mo physiogel. kasi ako I have dyshidrosis dermatitis. and advise ninderma use unscented lotion. physiogel is unscented and nahiyangan ko. gamun din pati baby ko dahil pareho kaming may skin rash, ayun naging okay

I had experience rashes to pero na stop agad sa likod at kili kili ko.Kinakamot ko siya kasi sobrang makati, minsan naman masakit kasi parang pimple na diko maintindihan.the only soap I used is safeguard na lemon at yung ginamit ng asawa kp na ointment Tieradix effective naman nawala after two weeks. tiniis ko na di kamutin nagigising din ako minsan sa gabi kasi makati at mahapdi na.

TapFluencer

nagkaganyan din po ako 7months tyan ko.Calmoseptine lang po at Cetirizine,Tapos sabi ob ko iwas sa malalangsa.lalo na Chicken. Sa awa ng dios. Nawala naman makinis na ulit tyan at sa may dede ko. 38Weeks na ako now..

Nagkaroon din ako ng rashes (PUPPP) while I’m pregnant. Nagpaderma ako and reseta saken is clobetasol and mupirocin effective sya. Nawala ung itchiness nya and gumaling na din after 1 to 2 weeks.

Hi my, kumusta naman si baby mo, wala pong effects yung clobetasol and mupiricin?

meron din akong ganyan di ko lang pinansin at kinamot tlga ayun nawala naman yun kati pero maitim pdn pag nanganak na sgro ska mawawala

Trending na Tanong

Related Articles