Sharing for awareness!

Hi mga monsh, share ko lang experience ko para alam nyo gagawin in case maranasan nyo din to. Paggising ko last Sunday (Dec 22) masakit pempem ko ung feeling na namamaga and mabigat, pati balakang ko suer nangangalay. Nag text ako agad sa OB ko para icehck if may clinic sya ng Monday. Buong maghapin syang ganun, kahit wala ako ginagawa masakit pdn tapos nung nagwash ako medyo nakabukas na nga ung vagina ko. Bandang madaling araw, umihi ako and nakita ko may brown discharge ako na konti. Mga 11am nasa clinic na ko na OB ko abd pag I. e sakin 2 cm open cervix na ko. Hindi pa pwede lumabas si baby kasi 34w6d pa lang sya. Pina-admit ako agad ng OB ko para maturukan ng pampakapit and mapigilan na lalong bumukas cervix ko. Grabe mga momsh, ganun pala feeling ng gamot sobrang init sa katawan na para kang sinusunog ng buhay tapos super nakakahilo and nakakapanghina. Pero para kay baby tiniis ko tlga. Ngayon okay na po kami ni baby, di na sya ulit nagcocontract and stable din heartbeat nya. Kakatapos lang ng last dosage ko sa pampakapit and hopefully makalabas na kami bukas ng umaga ? Sa mga kapwa ko mommies dyan kaapg po may naramdaman kayo consult ob po agad. Wag po iasa dito sa app dahil hindi naman masasagot agad ung tanong nyo. Doble ingat din po mga momsh! ?

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply