experience
Hello mga momz, Sino PO dito Ang 38 weeks na pregy? Nakakaramdam din PO ba kayo Ng Yung napapaaray ka sa kirot kapag gumalaw si baby sa loob? Saka Yung tumatabingi tabingi at nagbubukol bukol na Yung tiyan mo sa likot Ng galaw Niya at pati na Rin Yung hirap Kang mag iba Ng posisyon sa pagtulog dahil medyo masakit or mabigat sa pakiramdam at napapabuntong hininga nalang Ng malalim. Tuwing gagalaw siya sumasakit Yung bandang kaliwang puson ko at kanang tadyang ko Ng sabay.. sa first baby ko PO kasi na 6 years old na ngayon never ko tong naramdaman pero ito para bang pinapahirapan nya ako. Na tila bang parang lagi akong hirap sa pagdadala sa kanya. ☹️