SSS Maternity Benefits

Hi mga momsis. Medyo nalilito lang po ako,, yung Maternity benefit computation po ba ay binabase sa AVE. Daily Salary Credit (ADSC) or sa kung magkano ang contribution ko? Ang naka declare na ADSC ko ay 16,877.00. Pero since nalaman ko preggy ako ay tinaasan ko ang contribution ko from 390 to 2,600 (maximum for Self-Employed). Paano nila to icocompute? Base sa ADSC na or sa TOTAL CONTRIBUTION ko? JULY 2023 po ang EDD ko. Salamat po ng madami sa makakapg paliwanag! Sana makatulong din ang post ko na ito! 😊😊😊 #maternitybenefit #sssbenefits #sss

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Based po sa ADSC mi. Kukunin po nila yung anim na pinakamataas na salary credit mo sa qualifying period mo then yung total nun ang babasehan sa pag compute ng matben na matatanggap mo

2y ago

Mi kung naghulog ka ng 2600 macocount parin yun kung pasok sa qualifying period mo. And ang babasehan parin nila sa 2600 na hulog mo ay yung katapat nun na salary credit