Hi.
Upon 6 months, pakainin ng cerelac for two weeks then mag introduce na ng puree (fruits or veggies) serve for 3 days. Feed solid once or twice a day.
By 8 months 3 meals a day. Start na rin sa finger food, para may engagement na sa pagkain at to avoid picky eating.
Ang baby na puro puree at spoon feed (kahit solid), (most of the baby) pagdating ng 12 months picky eater na sila.
Kung 1 year old na ang baby mo, stop na sa mga puree, instants like cerelacs.
Bigyan mo na siya ng table food at isabay sa pagkain. Make sure na yung food ay nasa tamang serving/hiwa/cut for her age.
May tamang pag slice at pag serve kasi ng food sa baby na appropriate sa age nila kahit table food yan.
Exaple, kalabasa, 2 fingers wide, pwede slim cut pwede 1 finger thick.
Most inportantly wag i-pressure ang baby kumain.
Yung pinapanuod, pinapagalitan, pinipilit kumain, kasi nagiging negative ang impact ng meal time sakanil. Dapat komportable sila kumain at hindi stress. Alukin niyo lang kumain from time to time.
Pag ayaw wag maistress.
Isabay niyo sa pagkain niyo, hayaan siya magkaroon ng interaction sa pagkain, example hawakan, paglaruan, gutay-gutayin, kapag nakikita niya pareho lang naman kayo ng kinakain, gagaya din yan. Kapag tapos na kayo kumain at napansin niyo hindi masyado kumain, wagmastress, mag offer na lang ulit ng pagkain after 2 hours. Exampl 6 am breakfast, mag offer ulit ng food sa 9am snack time.
Refrain from anything sweet. Like chocolate, sugary with added sugar na pagkain, kasi nakakasama ng appetite ng baby. Sugar ang offered after 2 years of age.
Magbasa pa
ig: millennial_ina | TAP since 2020