Anxiety and Depression
Hi mga momsh! I'm currently 22 weeks pregnant with my 2nd baby. My first born is only 8 months old. Lately, lagi ko naiisip na sana may mangyare na lang sakin sa panganganak. Sobrang napapagod kasi ako taking care of my first baby while pregnant. Tapos yung thought na malapit pa madagdagan aalagaan ko. Natatakot ako na baka di ko kayanin. Sa first baby ko, ang lala ng lungkot ko sa first few months niya. Iyak ako ng iyak kasi pakiramdam ko I'm not doing a good job at being a mom. Madalas ko siya di mapatahan sa una. Ang bilis ko mapagod sa pag-aalaga and pati patience ko, ang bilis maubos kapag iyak siya ng iyak. Don't get me wrong. Mahal ko ang anak ko and ang pinagbubuntis ko. Kaso madalas sa pagod at takot, iniisip ko na lang na sana mamatay ako after manganak. Pero after ko naman din isipin yun, natatakot akong iwan mga anak ko. Malungkot din isiping di ko sila maaalagaan. Dapat ko po ba ito iopen up sa OB ko? Normal po bang nagkakaganto ako? Masama po ba akong ina? #pleasehelp #advicepls #pregnancy