Need your thoughts on this. No hate, please.

Hi mga momshies! Please enlighten me po. I have 2 remaining packs of Similac formula. Nabili ko (out of frustration) sya nung days na wala pa kong breastmilk. Nung time na wala pa akong ma-produce na milk kay baby, si Girl (LIP ng kapatid ng asawa ko; may 5th month old syang baby that time) sya ung naging wetnurse ng baby ko for almost 5 days. Thankful ako dun kasi ayoko talaga i-formula si baby pero napabili ako ng formula kasi frustrated na ko dahil mag 5th day na wala pa din akong breastmilk... All of the sudden, bumuhos ang biyaya..Nagkaroon na ko ng milk sa 5th day. From that day, dun na ko nagpa stop magpa- wet nurse. Kaya kami ni baby unli latch na kami up until now na turning 4 months old na sya. Now, si Girl kasi nag pa stop na sya sa baby nya mag breastfeed nung mag 6 months pa baby nya. Kesyo wala na DAW syang milk, natuyuan na DAW. According sa biyenan ko, gusto nya hingiin ung formula na meron ako kasi gipit at wala na daw pambiling formula milk. Now, ito ang problem ko. Pinasabi nila sa biyenan ko na gusto nila hingiin ung remaining formula milk ko. Naghe-hesitate kasi ako na ibigay ung formula milk kay Girl. Dahil sa part ko alam ko bayad na ko sa utang na loob ko sa kanya. -Binigyan ko sya ng sobrang stash na naipon ko nung nag prepare ako sa pagbalik trabaho ko. Ung naipon ko na milk, mga na-collect ko habang nagpapasuso ako sa kabilang breast ko. (Si Girl meron din syang breastmilk collector) -Binigay ko ung halos 2 packs nung formula milk sa kanya dahil humihina na DAW milk supply nya at di ko naman daw magagamit ung formula kasi breastfeeding ako sa baby ko. -Nalaman nila na binigyan ako ng boss ko ng nakalatang formula milk, konting bawas lang un kasi nag breastfeed din ang boss ko. Hiningi nila un kasi di ko naman daw magagamit sa baby ko. Masasayang lang daw, so binigay ko na din sa kanila. Ayoko magdamot sa kanya pero na pi-feel ko kasi parang sobra na. Nanghihinayang ako bakit pa sya nag stop sa breastfeeding lalot pandemic pa. Nagbibigay din naman ako ng tips sa kanya para di humina supply nya based na rin sa najoin ko na group sa fb. Sabi pa ng biyenan ko tulog mantika pa daw sa tulog at di naririnig ung anak nya na umiiyak na at tamad din daw magpadede. Yun din nakikita kong dahilan bakit nya nasasabing humihina na supply nya. Btw, kasama ng biyenan ko si Girl sa iisang bahay. Sa bahay ng biyenan ko mismo. Nagbukod na kami ng asawa ko pero walking distance lang layo sa kanila. Ibibigay ko ba? o bigay ko na lang sa iba? Please enlighten me. Thank you. PS. Wala na din akong work due to pandemic. Iniisip ko din na ibenta na lang ung formula milk.

20 Replies

Super Mum

Nung binabasa ko.. Nafocus ako dun sa tulog mantika na hindi naririnig yung iyak ng anak niya😂 diyus ko po sana all😁 ever since nanganak ako palaging mababaw tulog ko.. Konting iyak lang ng anak ko nagigising ako agad kahit gusto ko pa matulog.. Anyways mommy.. Tingin ko lang po.. Hindi po natin mapipilit kung choice na po ng isang mommy magpabreastfeed or formula milk.. Choice na po nila yun (don't get me wrong, breastfeeding po kami ni baby.. Nagegets ko lang po kasi bakit may mga mommies na mas prefer nila na magformula na lang).. Kahit sobrang daming benefits ng breastfeeding sadyang may hindi po talaga mapalad pagdating sa milk supply.. Basta ang importante po busog po si baby.. para sa akin mommy ibigay niyo na lang po yung isa yung bukas na then ibenta niyo na lang po sa ibang kakilala niyo yung isa since wala na din po kayong work.. Atleast nakatulong ka po mommy tapos kumita ka pa po😁

Thank you. Nagets ko naman po point nyo. May breastmilk pa daw po sya according sa biyenan ko. Ayaw lang daw ipadede. Biyenan ko na din nagsasabi na tamad daw sya magpadede at mas gugustuhin pa gumastos sa milk kasi mukhang ayaw daw magpa istorbo sa tulog.

Hmmm ibigay nyo nalang po sakanya wag na sa iba, if nakakaluwag naman po kayo kahit papano, para na din po sa baby lalo na if sabi nyo nga po,medyo tamad si ate girl, mas kawawa si baby. After mo po mabigay, sya na dapat dumiskarte kapag ubos na. Mas masarap po sa feeling na nakakatulong ka sa maliit na paraan lalo na sa baby, wag mo nalang isipin si ate girl, isipin mo nlang sino iinom which is si baby. In due time, mabless ka naman sa mga naitulong mo sakanla. God bless po. :)

Thank you.. Yes ibibigay ko para na din sa baby nya. Hindi ko na lang isipin si ate Girl, ung baby nya na lang...isa din kasi si Girl sa reason bakit pinilit namin mag asawa na bumukod. Inaasa na nila lahat halos sa asawa ko. Sakin walang problema kung umasa magulang nya sa kanya kaso ung kapatid nya saka si Girl,may sarili na silang family at may trabaho naman.

VIP Member

Para sakin, pag na tulungan ka hindi mo dapat kina count kung Naka bayad ka na o hindi, kasi Para sakin Yung pinagatas nya baby mo ng 5 days apaka laking bagay na nun parang habang buhay ko na tanawin Utang na loob Yun. Isipin mo na Lang din Yung baby na gagamit, pamangkin mo pa Yun. Kung me prob ka dun sa girl kausapin nyo na Lang. Kawawa naman Yung baby nya kung madamay.

Yes. Thankful po ako dun. ung 5days naman po, tinulungan ko din naman po sarili ko para magkagatas ako. Nag join po ako ng group kung paano ko ma boost ung milk supply ko. Thank you po sa advices, narealize ko din po ung mga bagay-bagay. God bless po.

para sa baby mo dati xa tumulong sayu, ngayun xa nangangailangan tulungan mo ng bukal sa kalooban mo.. kung sa tingin mo nabayaran mo na ung utang na loob na sinsabi mo, ang tignan mo ing anak nya wag ung nanay nya.. bakit ibibigay sa iba kung nagsabi naman na mismo sau ung may kailangan.. kung gusto mo ibenta tell her directly nalng . ganun lang sis ..

Gusto ko sya tulungan, pero bakit kelangan need pa ipasabi sa byenan. Pwede naman akong puntahan sa bahay o kaya i chat. Tapos ngayon malalaman ko, nakabili naman pala.

nasa sayo naman yun kung gusto mo talaga ibigay,wala naman sobra o kulang sa pagbibigay kung hesitant ka na bgyan,wag mo ibigay,ganun lang kasimple,kasi hirap naman binigay mo nga pero di msaya ang puso mo,,nagtanong ka pa sa last part ng post mo na ibigay mo nalang na sa iba? ikaw,mag masaya ka kung makatulong ka sa iba pero sa kamaganak mo hindi?

Hi. Gets ko po ang point nyo. Kaya nga po ako nag post dito kasi gusto ko malaman ung opinion ng iba kung sila ang nasa position ko. Hindi naman lahat may ability mag decision ng para sa kanila. At so far naman po, naliwanagan naman po ako sa advices ng iba kasama po kayo. God bless po.

issue talaga kung ibibigay mo o hinde? mas gusto mo pa ibigay sa iba kesa dun sa kamag anak mo? kakaiba ka din eh no. yung padedehin nya anak mo nung nangangailangan ka sapat ng dahilan yun para tulungan mo sya at di dahilan yung kesho bayad ka na sa kanya. walang presyo ang tulong ate. kung meron ka naman maibibigay de ibigay mo.

Issue talaga sakin un kasi sabi ng biyenan ko, may breastmilk pa naman daw sya, ayaw lang ipadede sa baby nya. Ever since nanganak sya, hindi naman sya nag work at nasa bahay lang..tinutulungan naman din sya ng biyenan sa gawaing bahay, so anong point para tamarin sya? Ako nga na may trabaho pa nun, nagttyaga akong mag ipon. Pero thanks sa advice. I get your point po.

VIP Member

For me, ibigay nyo na lang po as the last straw. If maubos ulit nila panibagong problem na nila yun. Kesa masayng yung FM. If ibenta nyo, alam ko bawal dito sa app mag benta ng FM. Sa huli nasasa inyo pa din naman ang final decision. Sana makapag relactate pa si Girl, sayang ang benefits ng BM lalo na ngayong maraming virus.

May breastmilk pa daw sya sabi ng biyenan ko. Ayaw or tamad lang talaga magpadede.

Opo bigay nyo na po naka breastmilk ka nmn di na po magagamit ng baby m yan, masisira lang po yan... Mabilis po masira ang milk kapag bukas na... Makikita nyo po inaamag na sayang lang imbes na mapakinabangan pa... 😊

Thank you po sa advice.

Bigay niyo na lang po momsh, sayang naman kung ibebenta pa instead na bigay na lang kay baby. Pag naubos yung pinaka last stock na nabili niyo e sila naman dapat gumastos para sa baby nila. 😊

Thank you sa advice.

Super Mum

Hi mommy. In my opinion po. Yes ibigay nyo na kasi hndi nyo na dn magagamit kasi ebf na si baby sayang pag mexpire lng yung formula milk.

Trending na Tanong