Tulog sa umaga, gising sa gabi

Hello mga momshies, yung LO ko mag 2 months na po sya, palage po tulog sa umaga gising sa gabi, at naglalaro pa hanggang sa abutin na ng ligalig. Tapos kung matulog pa ay alas 12 or 1am na pero nagising every 2hrs.. Hindi din mahaba ang naitulog nya. Sadya po bang ganun? Magbago pa po kaya yun? #advicepls #firstbaby #1stimemom

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi. Ganon po talaga nagbabago ang sleeping pattern nila kasi hindi nila alam ang difference ng night and day. Lalo na kung naka lights on pa sa gabi, at maliwanag sobra yung bumbilya, mahihirapan talaga mag adjust. As early as possible, i-introduce mo na po yung difference ng night and day. Tapos dapat may night routine at morning routine. Para mabilis nilang matutunan kung alin ang gabi at alin ang umaga.

Magbasa pa
3y ago

Opo. On repeat lagi yung dede, hele, lapag. Haha. Pero observe niyo rin po baga nagadjust din yung tagal ng tulog niya at baka hindi pa talaga siya inaantok kaya gising ng gising. Sa baby ko kasi dati (mga 2 months din siya nuon) napansin ko na hindi pa siya inaantok from 8 pm - 10/11pm. Kaya ginagawa ko ine-entertain ko siya, pampalipas oras lang. Kargahin ko siya, ilakad, kantahan, or yung rattle ishe-shake ko sa harap niya at susundan niya ng tingin. Tapos kapag feeling ko inaantok na siya saka ako maga-attempt na patulugun siya.

VIP Member

Buti nga po sa inyo ako po hirap patulugin mayat maya po gising super saglit lang ang tulog

3y ago

Nakaka 2 hours naman po. Dati pa nga po may 6 hours at 3-4 hrs kaso bumalik na naman po sha sa 1-2 hours