SSS Maternity Benefit

Hello mga momshies may tanong po ako pano po ba proseso dun sa benefits para sa buntis manganganak po ako sa feb 2020 1st baby ko po, unemployed po ako thanks matagal po ba proseso?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Gano ka katagal na unemployed? Para magqualify ka sa maternity benefit, kailangan meron kang at least 3 na hulog from October 2018-Sept 2019. Kung wala kang hulog sa mga buwan na yun, hindi ka makakakuha. Hindi rin pwede maghabol ng bayad ng contribution sa sss.

6y ago

Naghigpit kasi sila nitong September lang due to excessive amount of new members applying and paying their contributions for the sake na magka maternity benefit. Kaya ako lagi ko sinasabi dito, if alam nila na lapse na ang hulog sa qualifying period, wag na magbayad at wag na magexpect na may makukuha. As much as possible naman po kasi dapat talaga updated hulog natin sa SSS (240/month pinakamababa if voluntary) dahil ang main purpose niyan is for pension talaga. Additional benefit na lang yung sa maternity. :)