paninigas ng tyan

Hello mga momshies, tanong ko lang po sino na naka experience na pananakit ng tyan na para ng kabag during 6th week pregnancy. nag start po kasi nyan nung kumain ako ng tilapia tas naparami ako ng kain ng carrots tas after nung uminom ako ng anmum. tas nung madaling araw, nagka lbm po ako puro tubig po nailabas ko. then 2 days na pong parang may kabag or naninigas tyan ko pero wala na po aking lbm. normal po ba un? thanks po

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi po sya normal. Ganyan po nangyari sakin nung nalaman namin na preggy ako. At 4 weeks naman. Kala ko nag-e-lbm lang ako. Nagkocontract din tiyan ko. Turns out threatened miscarriage na pala. Inform mo si OB mo momsh. You could have eaten something bad din, bawal pa naman magkasalmonella ang mga preggy. Safer kung icoconsult mo na sa kanya pag may nararamdamang di okay. Better be makulit than sorry, di ba. It's for the baby naman.

Magbasa pa

Naexperience ko din yan before pero ginagawa ko inom ng warm water at iutot talaga

salamat mga momshies. magpapacheck po ako mamaya. :)

baka po di kau natunawan,,

VIP Member

Yes. Same here