Nagsusuka ang baby ko kapag pinapainom ng vitamins.

Hello mga momshies & popsie, share ko lang yung palaging scenario ko sa tuwing papainumin ko ng vitamins ang baby ko palagi sya nagsusuka. Vitamins: - Ceelin Plus - Iron Medicine: - Cetrizine 1 week ago nag suka sya as in malala po ang suka nya, alam niyo po yung kapag nalasing tayo o sumama yung tiyan sinusuka natin yung nakain natin tapos super sakit sa tiyan at sa lalamunan. Parang ganun nangyare sa baby ko kasi namula sya at nailabas nya talaga kinain nya simula tanghali hanggang dinner nya. Natakot na ako na baka maulit ulit iyun kaya di ko muna sya vinavitamins. Sa January 16 pa kasi ang monthly check up namin sa pedia nya. Any thoughts, sharing, ideas po? #vitaminsceelinplus #vitamins #vomiting Thank you.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pag po ba pinapainom nyo si LO nakadede na sya ng 30min to 1hr? At ang pag inom ng vits dapat may interval na 1hr? Paano nyo sya painumin, dropper? sa gitna ba ng bibig or sa gilid or spoon? Pwedeng ayaw nya lasa ng vits noya esp yung iron... unahin nyo muna yung ceelin bago iron.