Ultrasound Scan without Referral

Hi mga momshies ☺️ nasa 28weeks na ako sa pregnancy ko, and until now di ko pa alam gender ng baby ko. ? This is because yung OB ko, ayaw akong ipa ultrasound (medyo veteran na kasi siya). Sabi niya, no need daw kasi healthy naman daw si baby and maayos. Kahit anong pilit ko mag request ng ultrasound para malaman gender ni baby, ayaw niya talaga. So plano namin ni hubby na magpaultrasound na lang. Pwede ba magpa ultrasound without any Doctor's referral? Or may iba kayong suggestions? Thank you po sa sasagot. ☺️

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kaya better kung yung OB na nakuha nyo OB/Sono. May ultrasound every checkup. Yung 1st born ko, 16 weeks pa lang alam na namin na boy kasi nagpakita na ng lawit during the checkup. Meron naman ata clinic pumapayag mag UTZ kahit walang referral. Pero hindi ko lang alam yung specific na diagnostic clinic.

Magbasa pa

Kahit sabihin nyang healthy si baby need padin ng ultrasound, parents ang masusunod kung gusto nyo magpa ultrasound, Go. Required nga yan e. Pero need nyo ng referral so try nyo magpa check up sa ibang ob para mabigyan kayo ng referral. Yung iba naman di na need ng referral, depende kasi sa lugar.