Mga nagamit sa hospital

Hi mga momshies na nanganak na this year, ask ko lang po qno po yung mga essentials or gamit na talagang nagamit nyo po ni baby sa hospital? Dami po kasing nagsulputan na mga products and kung ano2 pa man #checklist ayoko po muna magpabudol gusto ko po kasi malaman kung ano talaga yung magagamit esp for #cesariandeliverymomies and for light packing narin po pagdating sa ospital. TIA

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Second time mom po, sched for cs this September. Kay baby po, wag ka po bibili ng madaming newborn na damit. Yung tiesides ko po at 12 pairs lang. Halo na po ng Longsleeve, shortsleeve pajama. Since mga 2 weeks mo lang to magagamit. If bibili po kayo ng mga onesies, highly advise yung malalaking size. 6-12montgs. Invest sa mga lampin, flannels or muslin clothes kasi gamit na gamit po ito. Yung diaper mi, wag ka din bibili ng madaming newborn size and syempre need mo mag test kung ano ang hiyang kay baby po. Yung essentials nya like sabon maliliit lang din bilin mo mommy if anong mag work sa baby nyo tsaka ka po bumili ng full size. Kay mommy, No need ng mga maternity clothes, bra. Sa panahon ngayon need wais. Laman lang ng hospital bag ko for me is, Set ng pajama button down, undies Maternity napkin Adult diaper Tissue Wipes Cotton balls Toiletries Pinaka need mo mommy is binder after surgery makaka help sa pag galaw galaw. Invest on your health din po pagka panganak, vitamins supplements.

Magbasa pa

anong edd sayu mie

1y ago

oct 21 po edd ko :)