hi mga momshies! i have 2 kids, si bunso is 3 months na at namumuyat na siya. prob. ko maaga pa pasok ko sa office. ? 1 week na ako wala maayos na tulog at pahinga. aga alis sa bahay, gabi na nakakauwi. pag uwi ko asikaso pa ako sa kailangan ng magkapatid. Then ayan na, si bunso kung kailan tulugan na, siya namang gising. Hindi naman ako makaidlip kasi gising siya. Pwede ko na ba kontrolin ung tulog niya? Sa kuya niya kasi stay at home mom ako kaya mamuyat man ayos lang kasi nakakatulog naman ako sa maghapon, sumasabay ako non sa kanya pag tulog. Eh kay bunso, work na ako. Di naman pwede matulog sa office. Pag break time kasi maingay mga ka office ko dahil malapit ako sa pantry. Napakabilis ng 1 hour break. Pero pag di kaya, power nap talaga ako. Iba pa din tulog sa madaling araw. Any suggestion? Dim light naman kami kasi ung panganay ko pag bukas ilaw, hirap din patulugin.
Mariz Abellar