βœ•

TAON SA BABY?

Hello mga momshies may gusto lang po ako ishare kasi meron akong 4yrs old na baby boy at 3months old na baby boy din. Sa panganay ko kasi syempre wala po ako alam pa kung pano alagaan ang baby at first time mom. Hinayaan ko po na magsuggest ang biyanan ko sakin at tinuruan nya po ako talaga mabait ko biyanan ko pero kasi may something na kinakabother ko. Yun po yung sinasabi nilang TAON sa baby. Naalala ko sa panganay ko meron ampalaya na pinainum sa kanya plus yung nakakutsara na kulay itim na lalagyan ng gatas at iddropper ipapainom po sa baby. Kahit nagdadalawang isip ako sa pinapainom sa kanya na yon araw araw plus yung tiki tiki nya hinayaan ko pong uminom panganay ko ng ganon nung baby pa sya. Pero pag wala po biyanan ko di ko talaga pinapainom. Pag nanjan lang po since sa bahay pa po nya kami nakatira non. Wala naman po nangyari masama sa panganay ko. Eto pong 2nd baby ko dito na po kami sa bahay namin nakatira with is isang bahay lang pagitan sa bahay ng biyanan ko nirerecommend na naman po nyang uminom ng ampalaya at ung something na itim. Eh aware na po ako sa sinabi ng pedia nung first check up po ng bunso ko lahat ng bawal at bilin ng pedia nakanote po sakin at isa napo don ay yung ampalaya at yung something na color black na yun. Isa pa buntis palang ako nakikita ko na sa fb na masama sa baby yun at may naospital na baby dahil doon. Lagi nya sinasabi sakin na pag sumumpong daw po yung Taon ng baby eh parang tinutusok po katawan nila non at mailalabas lang po yung taon na un kung iinom ng ampalaya at ung kulay black. Jusko di ko po hinayaan na uminom ung bunso ko non at aware na ako na bawal yon. Pati nga tiki tiki di talaga nirecommend ng pedia un pero pinagbigyan ko lang sya na ipainum ko sa baby kasi di pa naman daw need ng vitamins ng new born pure breastmilk lang sapat na at un lang din po pinapadede ko sa bunso ko. With is pag wala sya di ko rin pinapainom. Ask ko lang po any mommy po dito na ganito din po yung pinagaalala? Ano po story nyo and ano po ginawa nyo. Baka kasi magtampo biyanan ko pag nalaman eh kaso ako kasi yung nanay kaya dapat diba ako yung may say doctor na ung nagbawal eh kaso inuulit ulit nya talaga sakin. Please dont bash me po sa panganay ko talagang di ko pa po alam need gawin noon. Sana napigilan ko mali pala. πŸ₯Ί

14 Replies

Nako same mommy! Yung itim na yon pinagkagalitan namin ng mismong nanay ko jusko ano nmba kako yan san ba yan galing at pilit nya pinapainom sa baby ko, pampalabas nga daw ng taon di naman nya masabi ano yang taon na yon. AKSIBAL tawag nya don.masamang masama loob ko gusto ko lang naman sundin pedia ni baby na wag iung ano ano ibigay, abe ako pa kinakagalitan ng nanay ko na parang napaka pabaya kong ina. β€œ Lahat eka kayo magkakapatid jan sa aksibal lumaki!” Ewan ko nalang naiinis parin ako pag naalalala ko. Isip ko nalang na sana sa byenan ko nalang kami tumira at di sana ako sinunod ni hubby na dito kame saamin. First apo kasi ni nanay anak ko kaya wala ko kaalam alam na pinainom nya pala kami ng ganon dati 20yrs old nadin kasi bunso ko kapatid Btw sa ampalaya pumayag na ko dahil once a week lang naman, kapag ako nagpapaligo di ako sya pinaiinom non (pinag pakuluan kasi ng ampalaya paligo ni baby kapag sya nagpaligo, kaya pag ako nagpaligo di ko nilalagyan para wala din sya inumin)

ayy oo aksibal pala tawag sa itim na yun momsh. naalala ko na. d ko prn pnainum si bunso ko ng ganon. nanawa rn sya magsabe skn. pero pag naharap na naman nya magssbe na naman un haha. ayaw ko painumin kht aksibal pa yan or ampalaya bawal kasi sbe ng pedia tlga

"Sana napigilan ko mali pala". Alam nyo na naman po ano kailangan nyong gawin :) Kung kasama nyo po sa bahay si hubby nyo, get his support po at hanggat maaari ay sya na lng magpaliwanag sa nanay nya. As for your byenan, be firm but gentle and kind. Ipaalam nyo po na you'd like to take the advice ng inyong pedia, and say it in a kind and patient manner. Iexpect nyo po na magpupumilit pa rin sya, and maybe magalit. Pero as long as hindi nyo naman po sya aawayin, at alam nyong wala pong mali sa ginagawa nyo, hopefully ay maiintindihan din nya eventually ☺️You all just want what's best for your baby and you now believe that this is for the best. Kung pwede nyo po isama si byenan on your next checkup sa pedia, mas ok rin para hayaan nyo na yung doctor ang magpaliwanag sa kanya ☺️

Mahirap po talagang makitira at makisama, kahit pa sa sarili mong magulang. Worse kung toxic at pakialamera pa yung tao. Kaya the best pa rin pobtalaga ang nakabukod, kung kaya ☺️

πŸ€¦πŸΌβ€β™€οΈπŸ€¦πŸΌβ€β™€οΈgentu din anyare sa panganay ko Nung newborn palng sya pinapinum sya Ng MIL ko Nung katasa Ng talbos Ng ampalaya. Kaunti lng nmn ,eyy di ko pa alam nun na bwl pla at sa knila pa kmi nakikitira nun. Sbe nya KC pra daw un mailabas ni baby ung mga nakain nya sa loob. dba KC Ang newborn Minsan naglalaway Ng parang malagkit un daw un pra mailabas daw un lahat. Sa awa Ng diyos wla nmn nangyare s panganay ko 2 yrs old na sya now. Pro dto sa 2nd child ko since nkabukod na kmi at andto sa manila TAs SI MIL nsa leyte,d nya nagawa un pro inadvice nya ako na magkatas nga da wako talbos Ng ampalaya at ipainum Kay bby ko now gaya sa panganay ko pro shempre d ko sinunod KC before discharge sinabihan na ako breast milk lng pwede Kay bby until 6 mos.

yan tlga hirap kapag nakikibyenan wlang sariling desisyon prang no choice ka nlang kundi sumunod sa mga sinasabi lalo na kapag inuulit ulit pa yan yung nakakarindiπŸ˜‚ Parang sa panganay ko gnyan din byenan ko lht ng pangengeelam naranasan ko kaya sinabi ko sa sarili ko sa 2nd baby ko hnd na tlga pwd yan kaya nagsikap kmi ng asawako mkapag bukod pra hnd nako napapakelaman ng byenan kong bruha! about jan sa taon na prang nag aalimasag daw na makikita sa skin ng baby normal lang yun, sa kasabihan dpt daw painumin ng mapait pra daw lumabas yon lht tska pra daw tumibay at hnd sumelan yung tiyan ng babyπŸ™„ Parang delikado namn ata yon baby palang tpos paiinumin ng mapait wag mo ng sundin byenan mo mii o kya sknya mo painom πŸ˜‚

Just be firm. lagi mo lang isipin na ikaw ang ina ng bata kaya kung ano man ang mangyari sa anak mo ay kargo mo. ang sundin mo ay ang sabi ng pedia mo. first time ko lang nga narinig yang TAON n sinasabi mo. 1 million percent ako n hndi totoo yan kasi kng totoo yan edi sana lahat ng sanggol sa buong mundo ay nagkaganyan na. paniniwala lang malamang ng mga matatanda yan. never ka dpat magpainom at pakain sa bata ng hndi mo alam. baka mamaya nakalusot lang ang unang anak mo sa sakit pero ang pangalawa mo ay hindi na kaya mag iingat ka. maseselan pa nman ang mga sanggol, ultimo mga gamot na ipapainom sknila nga ay tinatanong pa sa pedia kng safe, yan pa kaya.

parang hindi. kasi may sumpong syang tinutukoy e. and hindi po balat ang mongolian spot.

same kamaga anak Naman Ng Mr ko kaso malayo Nung nagbakasyon lang kami sabi paliguan ko daw Ng mga dahon dahon bayon and painumin Ng ampalaya jusme Ako nga na Malaki na eh pait na pait what's more pa doon sa baby diba mga dating gawi na Hindi safe iba na panahon ngayon and environment Hindi na tatalab mga experiment Ng matatanda ngayon modern na Ang panahon pero maganda ung ampalaya Kong may plema sa throat ung Bata na 3 yrs old pataas para malabas niya Yun lng alam ko pati tuloy Mr ko paliguan ko daw si bb Ng dahon Ng bayabas anak Ng tokwa sabi ko , laki akong manila Hindi kami naniniwala sa ganyan kase mga tita ko nga nagwowork sa hospital πŸ˜…

yan tlgang mga pamahiin ek ek na yan lagi kami magkaaway ng mama ko eh. pero nung pinaospital anak ko dahil sa pagsunod sa kasabihan, hindi naman sya Ang gumastos at na stress kundi ako. sumunod sunod pa ako para respeto pero Ang ending Ang bata Ang nagsusuffer. kaya hinayaan ko na nga syang Magalit sakin na parang isusumpa pa nya ako. sobrang manipulative na magulang pag ganyan. ok lang kung nanghihingi ka ng advice pero syempre nasa satin bilang nanay Kung susundin sila dba. pero yang ganyan tlga ipagpipilitan pa Ang nakaugalian lalo na pag wla nang scientific basis.

1st time ko marinig yan momsh,feel ko parang may pagka-albularyo yang byenan mo hahaha. Tsaka ano yung kulay itim na yun hahaha. Anyway,prevention is better than cure sis. Di natin alam ang mangyayare,kase pwedeng sa panganay mo eh walang nangyari pero sa bunso di na natin masabi. Magkaiba sila ng immune system. Hayaan mo yang byenan mo,di nman sya ang nanay eh.

ano ba ung taon na un? πŸ˜‚ ang alam ko lang ung isang taon dalawang taon ganernπŸ˜‚ btw sundin mo payo ng pedia wag sa byenan mo. ako na di naniniwala sa sabi2 ng mga matatanda kahit mga pamahiin d ko sinusunod, mas sinusunod ko kung ano payo ng doctor.

Ganyan rn sv sakin ng mama ko, since nka bukod kme. ang ampalaya pampatanggal ng "Sawan raw" ung violet violet s bndang likod-pwet ng bata. (malay ko b at 1st time momπŸ˜…) ngaun 11 yrs old n anak ko, onti onti rn nmn nwalaπŸ™‚

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles