Pamamanhid Ng Kamay

Hello mga momshies! Ask lang po sino po dito namamanhid ang kamay? Ako po kasi simula noong mag 6mos ang tiyan ko hanggang ngayon na going to 8 months di na nawawala pamamanhid ng mga kamay ko lalo na pag umaga halos di ko maclose totally kamay ko. Normal lang ba to mga momshies kahit umiinom naman ako ng Vitamin B?

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Oo nga po sis.. Yung sa akin tolerable naman pag tumagal kaya lang minsan mahirap lalo na pag may ginagawa. Kaya sinasanay ko minsan kamay ko na may gagawin para di sya lalong mamanhid. God bless po sa atin sis lalo na sayo na malapit na lumabas si baby mo. 😊🙏

Hi sis. 36 weeks na ako and ganyan na ganyan ako ngayon. Nagpapanic ako every morning na nagigising ako kasi d ko maiclose tong kamay ko. Tumawag ako sa ob ko and sabi nya bigyan daw nya ako ng high dose na b complex

Naexperience ko po yan pero nung mag 8mos na ko. Normal lang daw po yun. Manas din daw po yan, pero monitor mo din po yung BP mo. Baka masiyadong tumataas, yun po yung delikado

Monthly naman po ako nagpapacheck up sis at yung BP ko lage naman 110/70 or 100/60 sa dalawang beses ko nagpa check up at meron na akong nafi-feel na pamamanhid nun.

6y ago

Oo sis grabe struggle paggising pa lang di ko na halos maigalaw mga daliri ko lalo na pag magliligpit ng higaan. Sinasanay ko nga may gagawin ehh para mawala yung manhid at maigalaw ko mga kamay ko. Salamat sis. God bless po. 🙏😊

Same tau mommy. Hindi ko din maigalaw ng ayos ang mga daliri ko at kamay ko lalo na sa umaga pagkagising. Nawawala din naman po sya pero masakit po at medyo matagal.

6y ago

Kaya nga po grabe ang pamamanhid pag umaga pero pag may gagawin ka na medyo di na masyado kaya lang minsan mahihirapan ka pa rin. Salamat po. God bless. 🙏

Ganyan din ako, wala naman akong ininom na vit.hanggang sa nanganak ako manhid pa rin 1month bago nawala

6y ago

Uu sis, mejo namanas din ako nun almost almost a month din bago nawala, walang anuman ..

Same po tayu moms. Nagmamanhid po yung kamay ko. Di pa po ako nka pag check up kasi wala pera. 😔

6y ago

Better po na magpacheck up tayo once a month sis para ma monitor tayo at si baby. Pero sabi ng mama ko normal lang daw kasi ganito din daw sya dati sa mga nakababatang kapatid ko. God bless sa po. 🙏😊

TapFluencer

Normal po siya mamsh. Manhidin din po ako lalo na pag galing sa pagkakatulog at nangawit

Salamat sa sagot sis. 😊 God bless po. 🙏

Salamat nga po pala sa sagot. 😊