Worried

Hi mga momshies, ano po kaya nangyari sa baby ko last night? She's 1mo and 5days old at kagabi after sya ipaghele ng daddy nya ibinaba ko na sya sa bed para derecho na tulog nya kaso paglapag ko sa kanya, sinamid sya bigla na parang may bumara sa lalamunan nya. Binuhat ko ulet sya agad agad nung napansin kong hindi normal na samid lang. Parang na choke sya. Hindi sya makaiyak, makagawa ng anumang ingay or even makahinga. Tinawag ko agad si hubby dahil nagpa panic na ako at hindi ko alam gagawin ko sa nakikita kong parang hindi sya makahinga. Ang ginawa ni hubby hinipan nya ng malakas ang bunbunan at tinapik ang likod ni baby. Ayun, umokey na sya at saka sya umiyak. Pulang pula ang baby ko after nun. Sobrang kinabahan ako at natakot. Hanggang ngyn parang ayaw kong matulog at umalis sa tabi nya, panay ang check ko sa kanya dahil baka maulet na nmn yung nangyari kagabi. Pero sana hindi na maulit.....

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommy slanted po ba ang higa niya or flat lang?

5y ago

Flat lang po