2.9 kilo ng baby ko
Mga momshie sino po dito na kahit malaki n kilo ng baby.Nainormal delivery ? Nag pa check po kasi ako nkaraan linggo is 2.5 ang kilo ng baby ko. Ngayun pong araw pinabalik ako for check up uli at IE n rin po ako at ang timbang n raw ng baby ko is 2.9 na biglang po kasi biglang laki po agad . Nag dadiet nmn po ko sa pagkain .. Any tips po mga momshie para makpag diet n din po ko. Para hindi n lumaki pa baby ko,.37 weeks n po ko.this sunday. Salamat po sa sasagot to at sa mga advice
ang bilis naman lumaki mii. ako strict din diet ko , hindi na ako kumakain ng bawal , baka mahilig ka sa pandesal . mga bawal kasi paradi agad lumaki si baby is iwas na sa pandesal , saging saba kamote potato mga ganyan ba more on veggies ka lang like mga madahon at mag mais ka rin bawal sa maalat at mamantika , gawin mo yan effective yan . yan ginagawa ko salamat sa diyos ay na e maintain ko naman ang timbang ko at ni baby at yung fundal height niya .37 weeks na nga pala ako heheh na sa saiyo rin yan mi kung mapalabas mo sya ng normal ,
Magbasa paKeri yan mi, lakasan mo lang loob mo. Medyo hinay kana sa rice kung lilipas pa araw eh hindi kapa nanganganak pada di na sya ganun pa lumaki. 3.2kgs ko nailabas baby ko via Normal Delivery. Pwede ka rin magpatagtag. If ever naglalabor kana, tip lang wag mo ubusin lakas mo kapag naglalabor, sa delivery mo ubusin. Tips sa pag-ire, sa tiyan ang pwersa, isipin mo nadudumi ka lang, kailangan ganun yung ire, sundin mo lang counting nung mga nasa paligid mo, kasi ayun yung tamang breathing para di ka maubusan ng hininga. 😊
Magbasa paAko po, 3.4kg yung baby ko via Normal Spontaneous Delivery.. 4'11 lang po height ko, hehe, I gave birth last May 12, 2023. I thought din ma CS kasi naka poop na baby ko sa loob, nong nagpoop si baby, nagrapture din ang water bag ko kaya nalaman ko na nagpoop sumabay kasi, that day din yung panganak ko. Naka poop si baby but her heart that time sa loob was stable kaya may OB push through the NSD,as long as aabot sa 10cm at walang complication kaya mailabas yan ng normal, umabot kasi ako sa 39w6d hehe kaya lumaki si baby..
Magbasa pahi! 3.2kgs si baby ko nung nilabas. normal with single cord coil pa biglang laki din sya nun mga 8months to 9months ko na din, ayaw paawat haha pero actually hindi pala din accurate yung sa ultrasound...estimate lang nila. sabi kasi ni OB 3.5kgs sya pero paglabas 3.2kgs wala sa laki ni baby yan...nasa pag open din ng cervix mo. actually may kilala ko 4kgs 😂 as in hindi sya nag diet. goodluck and congrats na din agad! 😊
Magbasa pamomsh okay lang yan. baby ko saktong 3kl nainormal ko naman, lumabas after dalawang ire. Hinay ka nalang siguro sa foods na high in glycemic index para di masyadong lumaki ng sobra si baby. wag nyo pong idadaan sa diet, eat the right types of food in the right amount para di macompromise ang health ni baby
Magbasa paCge mi gawin ko yan ..mag bawas na lng kahit pakonte konte ..nag lalakad lakad n rin dito sa bahay kasi puro ulan kaya di makapag lakad sa labas..
aq mi normal delivery 3.7kg 39 weeks and 6 days aq nanganak tapos maliit pa q na babae 4'11 height q pero nakayanin q ayoko ma cs mahirap kya fight lang mommy kaya mo yan laban lng
Kaya pa yan mamshi, since 37 weeks ka na, pwede ka ng maglakad lakad, by 38 weeks pwede mo ng ilabas si baby baka nasa 3kgs na sya that time,may kalakihan pero kaya pa yan ilabas.
Wow namn mi ..pinalalakas nyo loob ko
Kaya yan mhie, basta practice ka ng tamang breathing sa pang ere. Ako FTM 3.8 via NSD ako hindi ako nahirapan ilabas si baby kasi pagka term ko nag practice ako paano umire ng tama.
mi tips nmn po sa tamang pag-ire po?
more lakad lang mi tapos squat ka din.ung last ultrasound ko sa 1st baby ko nasa 3kilo lang .siya pero paglabas nia nasa 3.8 na.sa awa ng diyos nainormal ko naman siya
Sakto lang po yan, wag po masyadong mag rely sa result ng ultrasound. Estimated lang naman po yun, saka lang talaga malalaman if lumabas na sya.
Dreaming of becoming a parent