Please help

Hello mga momshie, normal lang po ba ang ganitong kulay ng balat ng baby sabi po kasi nila naninilaw daw si baby, hindi po kasi kami compatible ng blood type #advicepls #1stimemom

Please help
27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello po, kung kaya pa po paaraw, paarawan nyo lng po (6am to 8am).. maganda po nkadiaper lng sya then harap likod.. Ganund din po kc ung baby ko ang dami pang sinabi ng unang pedia nya kesyo need na daw iconfine itatapat sa blue light.. Kaya nagtry kami sa ibang pedia, ang sabi naman low risk pa, pde pa paaraw, tapos binigyan din kami vit D (once a day) incase na walang araw meron pa rin naaabsorb c baby

Magbasa pa

Nung sinabi ni Doc samin yan kung magkaiba Blood type ng partner mo at sa iyo, need ipa incubator yung color blue ang light para mawala ang yellowness , malaki ginastos namen tapos yun pala kulang lang sa araw, nagkamali ng sabi yung manugang ko na Type A yung dugo ng partner ko kaya chinarge samen yung incubator. Nasa 5k pa naman yun

Magbasa pa

Paarawan niyo po if newborn pa. Normal po sa newborn baby ang manilaw. Pero kung ilang buwan na at naninilaw pa din need na po niya ng attention ng pedia. Pero better dalhin mo pa din po sa Pedia niya para sa professional po manggaling yung dapat niyo g gawin.

paarawan mamsh. 6am to 8am ang magandang oras. tag 15mins sa harap at likod. diaper lang din dapat ang matitirang saplot nya. yun ang advice samen dati ng nurse nung paglabas namin ng hospital. sobra din naninilaw anak ko non kaya may tinuturok sa kanya 😕

TapFluencer

baka may jaundice. ganyan din newborn ko noon. paarawan mo at least 15 to 20 mins.yan ang advice sakin ni pedia tapoa dapat 6 to 7am daw ang paaraw time kasi maganda ang sikat ng araw ng time na un di masakit sa balat

VIP Member

kapag naninilaw mami paarawan nyo po kasi baka di lang sya expose sa init ng araw. 7-9am po ang pwede sa skin ni baby and pwede nyo sya paaraw ng 10-15 min per day. pag madilaw pa din po consult pedia na.

breastmilk jaundice po ang tawag, normal in first few weeks ni baby. need mo po sya paarawan daily. 15 mins. nkadiaper lng wag po suotan ng damit tyagain nyo lng po araw araw.

VIP Member

Needed paarawan sis kapag ganyan naninilaw nilaw pa sya talaga at kng ilang weeks pa lang sya nung nilabas mo. 😊

Mommy kumusta na po c baby mo, same tyo ng case d kami compatible ng dugo Kaya nanilaw, please update mommy

TapFluencer

Yung friend kopo naninilaw din po baby pinaarawan lang po si baby at nag normal naman po.