βœ•

90 Replies

BUKOD. Pero ngayun dito kame sa kabilang bahay ng hubby ko kame lang nakatira sa 3rd floor nila tapus sa 2nd 1st mga tita/lola/pinsan nya tas sa tapat ng bahay namin byenan kona nakatira. Alam mo yun kahit sabihin mong kayo lang dun sa bahay once na andyan or napanik na yung byenan mo parang konting kibot/mali sumbong agad dun sa asawa ko or dun sa byenan kong lalake pag tinanghali ka ng gising sabihin tamad syempre napupuyat din ako sa anak ko kaya minsan nalalate nako ng gising 6mons na kase tas pag dika kagad sumagot akala agad di pinapansin or walang pakelam syaka may mga bagay na di kami mapag kasunduan, araw araw may sermon yung asawa ko kahit umaga syempre ako din maguguilty kase asawa ko yun sabihin diko mapasunod, ang sakin lang naman syempre gusto ko din na yung asawa ko kumilos sa paraang gusto nya di sa sigaw o utos ng nanay nya pinagsasabihan kodin minsan asawa ko, minsan naiinis din ako sa asawa ko pag mas pinakikinggan nya yung gusto ng nanay nya kesa sakin lalo na pag dating sa anak ko kahit sa pag papasuot ko ng damit lalo na pag binibihisan ko ng pambahay anak ko ng pink or orange o kaya naman blue sabihin nila bading etc . Sa isip ko wala namang masama sa pagsuot ng ganung kulay syaka lalake anak ko ayoko maging maarte sya sa mga damit or ibang bagay. Minsan iniisip ko tuloy ano ba ko ng anak ko katulong lalo pag kontra sila sa mga gusto ko para sa anak ko!πŸ₯ΊπŸ€¦πŸ’” SKL. miss kona dun sa pamilya ko pagtapos talaga ng Quarantine dun muna kame ng anak ko makahinga man lang kahit papaano

Mas maganda po ang bumukod mommy. Unang una may privacy kayo, hindi lang po ito tungkol sa sex life ha, may privacy kayong pag usapan ang mga plano nyo sa buhay, sa exp ko po kasi laging sumasabat ang nanay ng asawa ko at laging nagbibigay ng kumento kht hindi hnihingi, nkakabastos lang po. Pangalawa may kalayaan kayong gawin ang gusto nyo, ako po gustong gusto kong matuto magluto noon para sa asawa ko, hindi ko magawa dhl nga yung nanay ng asawa ko ang palaging nagluluto, nung bumukod kmi napakarami kong nagagawa, natuto ako magluto, magbake, nagagawa ko kht ano, ultimo maglounge sa sofa at manuod lang ng tv na walang nagbubunganga, ang saya. Pangatlo, peace of mind, ang hirap nung lagi may nakatingin sa inyo, yung may bnili kayong gamit e may nagsasalita jan ng kung ano ano. Kaya maganda tlgang bumukod at mas makikilala nyo ang isat isa.

For me BUKOD. Kasi kahit sabihin na ngayon okay kayo ng family mo o family niya meron times pa din na maiisip mong magsolo kayo bilang pamilya kasi mahirap yong laging may kahati o kaya naman mag-aaway ganyan. Lalo na kung di lang ang anak mo ang bata sa bahay diba. Gugustuhin mo din na gawin lahat at maglinis sa sariling kalat ng anak mo, sariling gastusin niyo mag-asawa. Atleast may matatawag kang sariling bahay niyo na walang mangingialam at walang kumokontra.

Bumukod, pero aminin man natin o hindi lalo na pag first time Mom, mahirap na walang alalay at walang katuwang sa pagaalaga kay Baby, after manganak masaya ko na marami akong tulong natanggap tumira muna ko sa bahay ng magulang ko, hindi hands on ako pa din ang nagaalaga, may mga tao lang na gumabay sakin para maging maayos na Mama sa anak ko, madami ako natutunan sa Mommy at Ate ko at malaking tulong din lalo na pag inaatake ka ng postpartum depression 😊

Bukod. Mahirap makisama eh kaso meron talaga kaying indifferences ng mga makakasama mo sa bahay kahit mabait ka or sila. Hahaha may sarili naman kaming bahay pero nakiusap yung byenan ko na samahan namin sya sa bahay. Ayun. May kontra ng kontra sa pagpapalaki ko sa anak ko. Wala ako magawa kundi mag bingi bingihanm nakaka awa din naman dahil depress sa pagka matay ng asawa nya. Kaso minsam nakaka inis tlga. Feeling ko gusto nako sabunutan nun. Hahahahaha

VIP Member

ako tlaga gusto ko BUMUKOD. Dami din nagsasabe na mas better bumukod para matuto kayong mag asawa at as a mom makapag desisyon ka sa sarili mo. Pero, I think it depends pa din sa sitwasyon, kung kaya nyo na ba dalawa, financially at emotionally malayo sa family. In my situation, nakikipisan pa kami sa side ni hubby, kc he's still studying, sabe pag di pa daw kaya ng mag asawa mag sarili, sa side daw muna ng lalaki mag stay ang mag asawa.

Mas mainam bumukod.. kase minsan ung desisyon nyo mag asawa e pinangungunahan o minsan tinataliwas ng mga taong nakapaligid sainyo. mainam bukod para ung desisyon nyo para sainyo e pag usapan nyo maigi ni partner mo at desisyon nyo ay iisa lang. Minsan kase ok kayo ng inlaws mo pero may masasabi pdin sila, ganun db kung family mo sa asawa mo para fair bukod kayo sa mga family nyo.. depende pdin sa sitwasyon kung kaya nyo na tlga

bukod po, , kasi maraming masasabi family mo or family nya sa inyo, , although kahit close kayo, may mapupuna pa rin, tsaka di mo magawa gusto mo, , o gusto nyong pagpapalaki,... mas maganda po tlaga bukod para experience nyo na yung kayong dalawa ni hubby mo ang tataguyod ng family nyo na πŸ˜‰

Bukod. Pra same kayo maging responsable dahil kayo lang. Unlike pag di bukod asa kay ganito asa kay ganyan kaya mas mainam ang bukod pra tlga matuto sa buhay. Ksi yun nman ang dapat once na nagasawa/nagkapamilya na layo na sa both parents pra makapamuhay tlga kayo ng isang pamilya.

for 8 long years, firm ako na ayaw ko bumukod kasi parang hindi ganun ka responsable ang husband ko... pero nung napilitan kaming bumukod dun ko nalang na realize mas naka save kami ng money, natotong maging responsable ang husband ko and never na kami nag away ng bongga...

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles