Ilang weeks bago niyo nalaman buntis kayo

Mga momshie ilang weeks o kelan niyo nalaman na buntis kayo?? Nung na delay ba kayo o nakaramdam lang kayo ng symptoms?

253 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

6wk 5days. Madalas akong matulog malakas kumain. Parang pagod na pagod kahit kagigising lang. Tapos tinatamad

3 months na pala akong preggy kala ko delay lang tapos nag decide nako mag pacheck up. Ayon dun nalaman na may baby ako

Nung nadelay period ko but may pakiramdam na ako na buntis ako kahit Di ko alam na buntis na Pala talaga ako

six weeks nung malaman kong buntis ako.. ang sakit kasi ng puson at dede ko nun.. den boom positive sa pt.

VIP Member

20 weeks diko alam kasi ireg ako napansin ko lang na parang tumata ako at parang may nagalaw sa tummy ko.

7 weeks ko nalaman thru PT. Kung di pa ako nagPT, baka akalain kong delay lang ako kasi ni isang symptoms wala ako.

Nadelay lang po kaya nag pt na ako. 5 weeks and 3 days nung nalaman namin ni hubby na buntis na ko ulit.

since nadeley ako ng 1day.. at tuwang tuwa na ung asawa kong, exited maging tatay. regular mens kase ko.

nung nakaramadam lang ako ng mga symptoms nalaman ko na nun nung 7 weeks and 4 days na yung tiyan ko.

6days delayed nag pt at yun positive lahat yubg three pt😅😅 may sintomas na din ng paglilihi.