Pain πŸ˜” 34 weeks

Mga momshie ask ko lang. Ano po bang pakiramdam ng nagkocontract na yung tiyan at sign for labor yung contraction niya? Kasi may nararamdaman akong sakit sa ibaba ng pusod ko kanina lang every 1 hour yung pagitan ng sakit, tapos naging 30 minutes, ngayon naman every 5 minutes na 😭 mababa lang pain tolerance ko kaya masakit na para sakin, diko alam yung gagawin ko. Wala pa nmang blood or water na lumalabas sakin kaya nai-stress ako kung ano ba yung sakit na to. Oo nga pala ramdam ko din na maraming hangin ang tiyan ko naisip ko kung dahil din ba yun sa hangin or lamig? Pleaaase answer po mga momshiees 😒 salamat po. #babyfirst #advicepls

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pag 3-5 minutes na po yung paghilab ng tyan go to the hospital na po kase labor na po yan regardless if meron o walang discharge. Saken po dati wala din akong discharge pero naramdaman ko contractions po salitan ang puson at balakang at malimit na po kaya nagpa admit na ko. 3cm pa lang ako nun. Iniduced na lang ako ng OB. Pero sa case nyo 34 weeks pa lang. Di pa kayo full term. Any unusual po call Your OB for advise. Mahirap din po kase lalo sa panahon ngayun magpabalik balik sa hospital. Kaya mas okay po talaga na may contact number kayo ng OB para kung anuman masabihan kayo ng gagawin

Magbasa pa
4y ago

salamat po momsh, kokontakin ko agad yung OB ko.

Related Articles