Hindi maunfriend ni lip sa fb mga pinagseselosan kong babae.

Mga momshie ano po kayang dapat kong gawin. Sumobra po ako sa pagiging selosa ko simula ngbuntis ako. Gusto ko inunfriend ni lip ko lahat ng pinagseselosan kong babae sa fb nya, masyado ako nagoovetlrthink, tapos friend nya pa mga ex nya sa fb. Before kasi babaero si lip kaya medyo nagwoworried ako. 2days ko na sya di kinikibo. Hindi nya kaya iunfrined mga pinagseselosan ko, tingin nyo may pakealam pa ba sya sa feelings ko? 😔 #TFTA #

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

babaero din dati ang husband ko. friends nya pa din ang mga ex nya at mga babaeng nanligaw sa kanya before. pero never ko siya sinabihan na iblock or iunfriend ang mga yun. lahat ng mga yun e nakaraan nya na. tinanggap ko sya ng buo na naging parte yun ng kabataan nya. tiwala lang ang meron ako sa kanya na awa ng Diyos sa 22yrs e never naman nya sinira. ako naman lagi ang laman ng mga post nya. nakikita ko naman na ang mga ex nya actually namin e masaya din para sa amin. nwei parehas kame di nagdedelete ng mga ex na friends. ang iba nga e naging kaibigan din namin mag asawa kahit na ex pa namin sila. siguro kailangan nyo lang ng transparency din. wag tayo mag look back sa past. tapos na yun at ikaw ang present. bumuo kayo ng mas magagandang alaaala ngayon kesa lingunin pa ang inyong mga karaan. kapulutan na lang natin ng aral ang nakaraan. God bless mommy.

Magbasa pa