sama ng loob sa partner and sa MiL.

hi mga momshh!! gusto ko lang maglabas ng sama ng loob and konting advise, about sa partner ko at sa mother nya. simula kase nabuntis ako di na ako gaano makapag asikaso ng bahay i mean nalelate na ko sa pag huhugas ng pinggan umaabot ng maghapon pero nahuhugasan ko naman bago matapos ang buong isang araw kase kaya ganon simula malaman kong buntis ako ang bigat bigat lagi ng pakiramdam ko lagi ako nasusuka maselan sa pagkain at pang amoy ,mas mabilis mapagod tapos nahihilo kaya minsan talaga di ko pinupwersa ang sarili ko sa gawaing bahay lalo na ako madalas mag isa sa bahay nila wla ako kasama, natatakot ako na baka habang sa aasikaso na mag isa ako bigla ako mahilo ,matumba at mawalan ng malay diba sino tutulong sakin.? tapos malalaman ko na kinukwento na pla ako ng MiL ko sa mga tyahin ng asawa ko (sister in law ng Mother in law ko) na kesyo lagi daw aki nakahiga at natutulog hndi ko man lang daw maasikaso yung gawain sa bahay (which is di naman lahat ,gumagawa padin ako kahit papano pinipilit ko may matapos ako kahit isang gawain lng sa bahay)tapos pati yung pag aasikaso dun sa anak ng asawa ko sa ex nya hndi ko man lang daw maasikaso(oo aminado ko ngayon na di ko na maasikaso kase nga kung sa sarili ko nahihirapan ako maasikaso sarili ko lagi pa ko walang gana kumain, pati ba naman yung anak ng asawa ko dapat hands on din ako? alam naman buntis ako eh, nung di naman ako buntis inaasikaso ko yung bata sa pagkain pati sa pangaral halos gampanan ko pagiging totoong ina nung bata di nakaranas ng pagmamaltrato sakin yun at utos na mabibigat, minahal ko yung bata kung tutuusin, mas una ko nga minahal yung bata kesa dun sa tatay eh) tapos ngayon ganon magsalita MiL ko ikwekwento pa ko sa iba? nakakasama ng loob. ako nga eh halos mabulok na sa loob ng bahay kahit may socialmedia na pwede ako magkwento sa mga friends ko about sa mga sama ng loob ko sa knila di ko gingawa eh. kase iniisip ko dito ko sa knila nakatira. ang sakit sakit lang tapos kapag yung asawa ko naman napapainom sa mga kawork nya at gabi na nakakauwi ,magagalit pa skin bakit daw ako nagagalit minsan lang naman daw.. sabi ko wala naman masama eh kung minsan kaso minsan din kase sa minsan na yun ako naman napapasama mag aaway na nga kami ako pa yung mag mumukhang masama sa mata ng MiL ko ,kase 1 time na uminom sya di sya nakapasok sa work kinaumagahan ang dinahilan ako kesyo kailangan nya daw ako samahan magpa check up (which is true kase that time masakit tyan ko hndi ako makakilos at makakain ng ayus pero matagal ko ng naramdamn bago pa mangyare yang incident na yan) nagalit tuloy yung mama nya bakit daw hndi ko ba daw kaya magpa check up mag isa? ang arte arte ko daw lagi lang naman daw ako nakahiga (???) sabi ko nmn sa asawa ko pumasok sya kase ilang araw na din sya di nakakapsok non sa work sabi ko kaya ko pa naman yung nararamdaman ko,tapos ayun na nga hanggang sa tinanong na sya ng mama nya hindi ba daw sya papasok? at sabi nya hindi kase ipapacheck up nga daw nya ako, dun na nagsabi ng kung ano ano mama yun nga yung mga sinabi nya na arte arte ko daw. sobrang sama talaga ng loob ko noon. feeling ko non wala ba ako karapatan na ako muna at kalagayan ko muna intindihin that time at nakapagsalita ng ganun MiL ko. kaya ngayon feeling ko pinaplastic nlng ako ng MiL ko , pero nirerespeto ko padin pag kinakausap ako. ?

4 Replies

Ang lungkot naman. Kasal ba kayo mommy ng tatay ng anak mo? Kase kung hindi, iwan mo na. 😅😂 sorry ah. .mejo salbahe kase ako at independent. Naranasan ko yan kase di kami bukod nung tatay ng anak ko. Nung nalaman ko na tsinitsismis ako ng nanay nya sa mga kamag anak nila, sinabi ko sa tatay ng anak ko, kinampihhan nya nanay nya. Kaya ginawa ko, iniwan ko. Dala ko yung newborn baby ko. Sabi ko di ko kailangan magtiis sa mga ganong klaseng tao na sya pang gagampihan ng asawa mo na dapat ikaw ang unahin kaysa pamilya nya. Alam kong malakas laban ko nun kaya ng dswd ako. Wala syang nagawa kundi magsustento sa anak nya kahit hundi kami kasal. Nakatira ako sa parents ko. And still nagttrabaho ako dahil di naman ako mayaman para iasa sa magulang ko lahat. Hindi ko na nilinis yung pangalan ko sa mga kamag anak nila. Wala na kong pakialam pa. Nabubuhay nalang ako para sa anak ko ngayon, hindi para sa kanila. Sabi ko sa tatay ng anak ko, kung hindi nya kami kayang ibukod , wag nya kaming kukunin sa magulang ko. Yun lang. 😂 Katwiran ko, lumaki man annak ko na broken family, ok lang. Basta ayoko sya lumaki na kasama mga ganung klaseng tao. Lalo na yung tatay nyang walang paninindigan. Ganyan din sa asawa mo mommy. Be strong and independent. Magdemand ka na bumukod kayo. Yung anak nya sabihin mo sa kanya dahil maselan ka magbuntis, ipaalaga nya muna sa nanay nya. Tutal nanay naman nya bida bida e. 😂

Ang lungkot naman. Kasal ba kayo mommy ng tatay ng anak mo? Kase kung hindi, iwan mo na. 😅😂 sorry ah. .mejo salbahe kase ako at independent. Naranasan ko yan kase di kami bukod nung tatay ng anak ko. Nung nalaman ko na tsinitsismis ako ng nanay nya sa mga kamag anak nila, sinabi ko sa tatay ng anak ko, kinampihhan nya nanay nya. Kaya ginawa ko, iniwan ko. Dala ko yung newborn baby ko. Sabi ko di ko kailangan magtiis sa mga ganong klaseng tao na sya pang gagampihan ng asawa mo na dapat ikaw ang unahin kaysa pamilya nya. Alam kong malakas laban ko nun kaya ng dswd ako. Wala syang nagawa kundi magsustento sa anak nya kahit hundi kami kasal. Nakatira ako sa parents ko. And still nagttrabaho ako dahil di naman ako mayaman para iasa sa magulang ko lahat. Hindi ko na nilinis yung pangalan ko sa mga kamag anak nila. Wala na kong pakialam pa. Nabubuhay nalang ako para sa anak ko ngayon, hindi para sa kanila. Sabi ko sa tatay ng anak ko, kung hindi nya kami kayang ibukod , wag nya kaming kukunin sa magulang ko. Yun lang. 😂 Katwiran ko, lumaki man annak ko na broken family, ok lang. Basta ayoko sya lumaki na kasama mga ganung klaseng tao. Lalo na yung tatay nyang walang paninindigan. Ganyan din sa asawa mo mommy. Be strong and independent. Magdemand ka na bumukod kayo.

Tama mommy, pray lang. Na sana i-guide kayo ni baby. Kung hindi para sayo yung pamilya na yan ng kinakasama mo, sana eventually ituro ka ng Diyos sa tamang tao na magbibigay ng importansya sa inyo ng anak mo.

Hirap nga pag nakikisama ka sa MIL mo lalo hindi maganda ang ugali. Kasi mayrun at mayrun tlaga yan masasabi. Maganda ung sarili mo bahay mo kasi kahit wla kang gagawin wlang mangi2alam sayo. Kung hindi kau hihiwalay jan mas ok ata dun ka sa.parents mo mastress ka lang.

Tama.. may mga MiL talaga na mga plastic.. maganda ang pakikitungo pag nasa harapan ka niya pero kapag nka talikod kana,, ang asim na ng mukha...

Trending na Tanong