Just wanna ask
Mga momsh Bakit po kaya ganun, ang asim po ng amoy ng ulo ng Lo ko. Lagi naman po siyang naliligo. Hindi po kaya sa baby bath na gamit niya yun? Johnsons po gamit niya yung pang new born. O di kaya dahil pinagpapawisan lagi yung ulo niya. Ano po kayang pwedeng gawin? Thank you po sa sasagot. Godbless! ☺️

very active din si baby, pero hindi naman po masyado maasim, napapawisan but not maasim, sabi pa nga nila mabango pa din daw. try nio po palitan ung bath soap nia. gamit ko po tiny buds rice baby bath.. na try ko na din cetephil, dove baby, at lactacyd.
lactacyd baby bath mabango pa din ulo kahit pawisin, yun lang sa leeg kili kili hindi maiwasan medyo maasim asim kaya tuwing hapon ligo ulit bunso ko pero yung ulo ganun pa din amoy mula umaga hanggang hapon
Sakin momsh, ganyan din... kaya nagpalit ako ng panshampoo nya... Im using himan nature tangerine baby bath sa hair nya now.. And so far, hindi na nangangasim ulo nya..😊
normal momsh, summer kasi. lalo na pag super active ng baby. si baby ko nga nakailang palit na plus 2x a day naliligo mejo maasim din
try niyo po palitan yung baby bath soap niya momshie
How old is your LO po?