Usog

Hi mga momsh. totoo po ba ang bati o usog sa buntis? nag pasa kasi ako ng mat 1 sa company namin kahapon. pero kasama ko naman hubby ko. panay kasi ang pansin ng mga staff sa tyan ko na ang laki ng tyan mk for 5 mos. keme. eh ako nakikisakay lang sa kwentuhan kasi di ko naman mga kilala saka mababait naman. after non parang di na ko ok unti unti. tpos dagdag pa sa byahe may mga taong sige ang tingin sa tyan ko din. at as in eye to eye ang tingin sakin. kaya ginawa ko tinakpan ko tlga tyan ko. nagdala din ako nung bawang luya saka rosary. saka pray din kay lord bago kami magbyahe non. pero nung nakauwi na kami. doon na nagstart di na ako makahinga as in parang may nakabara sa dibdib ko. tpos sobrang sakit ng tyan ko naninigas tas iba yung galaw ni baby. as in nagliligalig sya sobrang sa loob tpos wala din akong ganang kumain saka yung katawan ko parang hinang hina. tinry ko na sinabi ng kaibigan ko pakuluan daw yung damit na sinuot ko kahapon at lagyan ng asin. ano pa po kaya pwede gawin if nausog? ps. sa mga di naniniwala sa usog wag nalang mag bag comment .

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako yes, naniniwala ako doon kaya dapat may mangotra ka. Ako kasi bago umalis sa bahay nagsasign of the cross muna ako.