SSS Maternity Benefits
Hi mga momsh! Tanong ko lang si HR parin ba ang mag aasikaso ng MAT1 ko kasi October 2021 nalaman kong buntis ako, ibinigay ko na din ang mga need nila na requirements like ultrasound at yung may sign ng OB ko at dahil sa sobrang selan ng pagbubuntis ko nag sabi ang OB ko dati na mag bedrest ako for 1 month, then after nung 1 month na yon hindi na din ako pumasok pero nag sabi naman ako sa kanila na hindi na muna ako makakapasok hanggang sa manganak ako, so after ko manganak saka nalang ako papasok. Pero until now wala padin akong narereceive from SSS na maternity notification, sila parin kaya ang mag aasikaso or ako na? #advicepls #1stimemom #pregnancy