Biglang di dumede sa bote ang 1yr old baby

Hi mga momsh, tanong ko lang po na posible bang bigla na lang magsawa ang baby (1yr old and 3 months) sa gatas, kanina kcng madaling araw 2am to 4am gising sya naglaro pinapadede namin sa bottle ayaw nya pero di sya makatulog i think dahil sa gutom pero ayaw talaga nya inumin until now.. anyway lactum 1to3 ang milk nya and propan ang vitamins nya. Nagworry kc ako, biglaan kc na di sya dumede tinry ko ko pakainin kumain naman umiinom ng tubig pero pag milk na ayaw nya talaga tinatabig lang nya ung bote. Baka may nakaranas nito ano unang ginawa nyo?#pleasehelp

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

ganyan baby ko ngayon mumsh 1yr. old. pero sya galing sa bf kahit anong gatas ioffer ko ayaw nya nilagay ko na din s akahit anong pwedeng paginuman. sa gabi na lang sya dumedede sakin and feeling ko wala na nalabas sakin kasi preggy din ako. pero malakas kumain at uminom ng tubig si Lo 2x a day sya nag ra rice tas 2x na snacks. gusto ko pa din sya pag gatasin kaya hanggang ngayon pinapatry ko pa din sya ng ibat ibang formula

Magbasa pa
3y ago

baka na sasatisfy na sya sa solid mumsh. dun mo nlng po sya busugin minsan pinapakain ko din yogurt lo ko para makabawi sa calcium

VIP Member

mommy, kung malakas naman po syang kumain ng solid, wala po kayong dapat ipag worry kasi solid food naman na po dapat ang kanyang main source of nutrition. supplement na lang ang gatas kasi 1 year old na sya. siguro po bigyan nyo na lang din po sya ng food na mayaman din sa calcium aside from milk. or pwede din po baka hindi nya na gusto yung lasa nung milk nya. try nyo pong palitan ng ibang milk.

Magbasa pa