Need help 😭 Single Mom

Mga momsh sorry po sa negative vibes pero need ko ilabas tong nasa isip ko kasi naiiyak ako sa iniisip ko na, "I don't want this baby", "Di ko na magagawa mga ginagawa ko noon dalaga pa ako", "I want my freedom back na nagagawa ko lahat ng gusto ko", "Paano ko sasabihin sa baby ko na Wala syang tatay?" "bakit nag pabuntis pa ako sa ex ko at iniwan nya ako sa ere", "Ano ba nagawa ko na mali? Para iwan nya kami mag Ina sya naman ang may gusto ng baby at hindi ako, nag pagkatanga at minahal ko lang sya ng sobra kaya pumayag ako and kahit Isang beses simula ng nag hiwalay kmi di na ako in-contact, pinabayaan nya kami Ng baby ko sa tyan ko. 😭" "Bakit may mga babaeng Ang titigas Ng mukha? Sinubukan ko naman in-chat yung babae nya pero mas lalong kumapit yung babae nya sa kanya" Mga momsh, pumasok pa sa isip ko ang palaglag ang bata 😭 pero pero di ko magawa.. di ko Kaya.. pumapasok lang sya sa utak ko.. Minsan bigla nalang ako maiiyak, iniisip, Ano ba tong pinasok ko na sitwasyon. 😭😭 Mga momsh nag iisip naman ako ng mga positive thought pero mas matimbang negative. 😭 Feeling ko di na kaya mga momsh.. 😭 hirap maging strong. Nahihirapan na ako😭

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hi mami. laban lang po tayo. yung sakin naman, hindi man lang pinaabot ng wedding anniv namin, kumabit na agad 🀣 tas 6 months pa yung baby ko. ginawa ko naman lahat. lumuhod pa nga para magmakaawa na kami piliin nya. ayun, sa kabit parin talaga sya pumunta. una, hindi madali. masakit eh. pero ginawa ko yung lahat para ma divert yung attention ko. bumalik ako sa mga hobbies ko. naging strong ako dahil sa anak ko. kaya now, super na ok nako. ☺️ kung nakaya ko, i know makakaya mo yan mami. kaya laban lang. ipakita mo na hindi sya kawalan. let your kid know how much you lover her/him.

Magbasa pa