re. kasal before manganak

Hi mga momsh, sinu po dito pinipressure din ng parents sa kasal bago lumabas c baby? 13weeks preg. here! May sinasabi kase silang magiging ilegitimate daw ang baby pag di kasal ang mga magulang. Pero marami nman akong kilalang ilegitimate child, okay nman sila, wala nmang problema sa docs. Nila.. Diko alam kung para lang ba sa iisipin ng ibang tao kaya sila nag iinsist ng kasal o para tlaga sa baby.. Di ko alam kung anu uunahin, kasal o ipon for the baby..

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kung iniisip ng parents is dahil nakakahiyang makita ng ibang tao na nabuntis na muna ang anak nila na hindi kasal, mapipressure ka talaga. Madadaan naman sa magandang usapan between you, your side, your partner and his side. Ang point kasi nila for security ng baby mo at ikaw, kasi may rights ka na sa lahat benefits sa partner mo and in terms of legitimacy of the child. Ma koconsider ang baby na illegitimate kapag na buo at naipanganak siya out of wed lock, o hindi kau kasal, as per Family Code. Oo tama na pdeng ipangalan/ipaapelyido sa tatay si baby, pero acknowledgment lang naman un, but still considered as illegitimate child siya. Kung may ipon bakit di magpakasal kahit huwes/civil wedding, kung wala talaga eh wag ipilit. Pagtuunan ng pansin si baby at mga needs nya. At kung parehas na kaung decided to settle down at magpakasal, e di go.

Magbasa pa