26 Replies
Nagkaganyan din baby ko sis. Sabi ng pedia niya normal lang daw kasi hormones pa natin na napasa sa kanila ang gumagana but it will go away. Pero para mapanatag kami may binigay siya prescription na cream na ipapahid. Nakakabahala kasi sa atin mga ina pag kay unusual sa skin ng baby natin.
si baby ko had a small patch nyan sa pisngi pero nawala din naman po after a few days. Wag aahalikan sa face muna si baby Momsh para iwas sa ganyan. Di pa sanay at sensitive pa ang skin nila
Ganyan baby ko dati, Elica ointment or cream lang nawala agad, din nong bumalik elica pa din,until lumaki sya at tuloyan ng nawala..yung parang bungang araw sa face at sa leeg nya
baka po sa gatas nyo mommy.. kasi yung baby ko din before may ganyan.. kaya every tapos nya mg dede nililinis ko agad mukha nya kasi malakas gatas ko then napupunta sa mukha nya.
ganyan din baby ko now mommy, di pa kami nakakabalik for checkup dahil may day lang na open sila ,and siguro po di hiyang sa gamit na body wash kaya magpapalit na din po kami
Yes momsh, normal yan na lalabas at mawawala din. Take note mo lang kelan nag start and monitor mo. As long as sabi ni pedia nyo normal lang, don’t worry.☺️
Yes mommy normal. Mawawala din yan, no need to do anything 🙂 But for our baby, nilagyan ko breastmilk and sometimes bm bath si baby.
Yes mommy..mawawala din po.. iobserve niyo din po kung lalala.. baka hindi po hiyang si baby sa baby wash po na gamit niyo😊
ganyan po... baby ko ngayon pina checkup ko sa pedia.. dahil po sa init ng panahon...twice po liguan gamit ang cetaphil cleanser
nagka ganyan din baby ko, pinagpalit lang kami ng baby wash saka ng sabon nya sa damit. depende na lang kung hiyang talaga.