Away Dahil sa Pera
Hi mga momsh, share lang po sana ako prob. Then pahingi na rin po advise. Madalas po kaming magtalo ng lip ko about sa pera, it is because puro siya bigay ganun. Tapos minsan titipirin anak namin, like magrereklamo kapag ibibili ko ng gamit anak ko ganun po. Tapos kapag naggogrocery laging nasabi na ok na yan dapat 1k lang ha. Tapos kapag sasabihin kong diaper ni ubos na, sasabihin niya na sa shopee na lang. So sasabihin ko naman ah ok, then mga 3 days na di pa rin pala nakakaorder hanggang sa wala na talagang diaper si baby. So ayun kung di ko pa kukulitin na bumili na di talaga magpapabili. Kaya naiinis ako eh, nakakasama ng loob. Panganay po kasi siya, broken family sila, yung pangalawa sa kapatid niya is may asawa na din. Tapos magulang niya may kaniya kaniya nang pamilya. Tapos ngayon nandito kami sa bahay nila which is pinagawa niya nun,pinalakihan niya. Umaasa ngayon sa kaniya lahat dahil walang work magilang niya, sa kaniya naasa dalawang kapatid niya tapos papa niya then yung kinakasama at mga anak nila kasi sa taas namin sila nakatira. Laging nahingi ng pera jusko, mga bayarin sa kuryente at tubig lahat lip ko nagbabayad. Ang akin lang naman sana sabihan niya sila na maghanap ng trabaho para di naasa sa kaniya. Paano yan, habang buhay na lang ba sila aasa. Paano naman kinabukasan ng anak namin. Kaya minsan sinasabihan ko siyang minsan maghigpit ka naman sa pera, minsan humindi ka dahil kapag naubos pera mo di naman sila uutang sa ibang tao para matulungan ka, ang kawawa yung natin. Kung kaya ko lang maghanap ng trabaho hahanap ako eh para makaipon kaso cs po kasi ako then pandemic pa.