Worried!!!🤰

Hi mga momsh!! Share ko lang sinabi sakin nung nagpaultrasound ako. 37 weeks na kase ako tas nakaschedule nako for utz tas habang iniikot nung sonologist yung thing ewan ko kung ano tawag dun basta nililibot nya sa tyan ko. Sabi nya may record na daw ba ko don sabi ko meron na. Kelan daw due date ko sabi ko september 12 sabi nya. Anliit naman daw ng baby ko di daw ba ko kumakain. Sabi ko kumakain naman po ako pinagdidiet na nga po ako ng midwife ko sa kanin e. 16.19 lang po amniotic fluid ko. Ano po bang pwedeng gawin para lumaki pa si baby kase natatakot po ako baka may epekto sa baby ko yun. Minsan lang po ako uminom ng vitamins nung 6 months preggy ako. Tas inistop ko na rin pong tuluyan last month pa po kase gusto kong makapag ipon kami ng pera sa panganganak ko. Nagwoworry po ako kay baby!! Paadvise naman po ng pwedeng gawin para kahit papaano maging normal si baby paglabas nya. #advicepls #1stpregnnt

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

same tayo momsh, maliit daw din yung baby ko kulang ng 200g, nagtataka nga ako bakit eh naggained naman ako ng 2kls for a month only. umiinom din ako ng vitamins, dinagdagan ni OB yung vitamins ko, amino acid daw para kay baby.. advice din ni OB na sa left side daw matulog para mas maabsorb ni baby yung mga nutrients. mas maganda daw kasi flow ng dugo pagnakahiga ka on your left side. iniisip ko dati na mas maganda maliit lang c baby para di mahirapan pagpanganak pero nung narinig ko kay OB na maliit yung baby ko na alarm ako, nagworried ako. gusto ko maliit pero normal din yung laki nya. goodluck satin momsh. inom karin ng vitamins.

Magbasa pa