Worried!!!🤰

Hi mga momsh!! Share ko lang sinabi sakin nung nagpaultrasound ako. 37 weeks na kase ako tas nakaschedule nako for utz tas habang iniikot nung sonologist yung thing ewan ko kung ano tawag dun basta nililibot nya sa tyan ko. Sabi nya may record na daw ba ko don sabi ko meron na. Kelan daw due date ko sabi ko september 12 sabi nya. Anliit naman daw ng baby ko di daw ba ko kumakain. Sabi ko kumakain naman po ako pinagdidiet na nga po ako ng midwife ko sa kanin e. 16.19 lang po amniotic fluid ko. Ano po bang pwedeng gawin para lumaki pa si baby kase natatakot po ako baka may epekto sa baby ko yun. Minsan lang po ako uminom ng vitamins nung 6 months preggy ako. Tas inistop ko na rin pong tuluyan last month pa po kase gusto kong makapag ipon kami ng pera sa panganganak ko. Nagwoworry po ako kay baby!! Paadvise naman po ng pwedeng gawin para kahit papaano maging normal si baby paglabas nya. #advicepls #1stpregnnt

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Learn to prioritize po, mommy. Madali mangutang pampa hospital, pero hindi mo na mababalik ang panahon na nadedevelop si baby sa loob ng tyan mo. Maliit din kasi si baby ko at madaming nagsasabi na mas maganda daw maliit para hindi ako mahirapan iire sya. But I'd rather have a C-section as long as assured ako na healthy ang baby ko. Kaya kahit mahal at masuka suka na ako sa dami ng vitamins ko eh go lang. Para naman kasi ito sa anak ko. Suggestion lang po eh try nyo na pong magpa reseta ng vitamins baka mahabol pa before your dute date. Alam ko namimigay ng libreng vitamins ang health centers. As for the amniotic fluid, nabasa ko na dapat inom lang talaga ng madaming tubig para ma replenish sya. Good luck po and sana mahabol pa yung laki ni baby mo bago sya lumabas. 🙏🏻

Magbasa pa
5y ago

salamat po sa payoo momshh💓