Learn to prioritize po, mommy. Madali mangutang pampa hospital, pero hindi mo na mababalik ang panahon na nadedevelop si baby sa loob ng tyan mo. Maliit din kasi si baby ko at madaming nagsasabi na mas maganda daw maliit para hindi ako mahirapan iire sya. But I'd rather have a C-section as long as assured ako na healthy ang baby ko. Kaya kahit mahal at masuka suka na ako sa dami ng vitamins ko eh go lang. Para naman kasi ito sa anak ko. Suggestion lang po eh try nyo na pong magpa reseta ng vitamins baka mahabol pa before your dute date. Alam ko namimigay ng libreng vitamins ang health centers. As for the amniotic fluid, nabasa ko na dapat inom lang talaga ng madaming tubig para ma replenish sya. Good luck po and sana mahabol pa yung laki ni baby mo bago sya lumabas. 🙏🏻
same tayo momsh, maliit daw din yung baby ko kulang ng 200g, nagtataka nga ako bakit eh naggained naman ako ng 2kls for a month only. umiinom din ako ng vitamins, dinagdagan ni OB yung vitamins ko, amino acid daw para kay baby.. advice din ni OB na sa left side daw matulog para mas maabsorb ni baby yung mga nutrients. mas maganda daw kasi flow ng dugo pagnakahiga ka on your left side. iniisip ko dati na mas maganda maliit lang c baby para di mahirapan pagpanganak pero nung narinig ko kay OB na maliit yung baby ko na alarm ako, nagworried ako. gusto ko maliit pero normal din yung laki nya. goodluck satin momsh. inom karin ng vitamins.
Mag 5 months na ko nung nag 1st check up ako sa OB dahil sa pandemic, napagalitan pa ko kc bkt daw late at mukang maliit si baby. So ginawa nya nag request ng pelvic ultrasound and vitamins para mahabol ang size and kulang na vitamins ni baby, awa ng Diyos naging normal naman Yung size ni baby. Maliit lang tiyan ko tingnan pero normal size ni baby pati amniotic fluid. Mag consult ka uli sa OB mo baka mahabol pa momsh, sana di mo tinigil ang pag inom ng vitamins kc di lng Yun para sayo kundi para din sa little angel mo😊 pray lng momsh
last time na nagpa ultrasound ako ( july 27 ) 26weeks ako 888 grams na baby ko pero dito sa app 750grams palang dapat siya..natutulog ako sa gabi nakaright side palagi kc pag naka left side ako nahihirapan ako huminga..pero ngayon malapit na mag 8months nakahiga ako patihaya pero nakaelevate ang paghiga ko 3 pillows gamit ko mas maganda daw ang flow ng blood sa amniotic pag ganun ang position sa pagtulog napanood ko po sa interview ni doc willie ong kay doc catherine howard..
Momsh mas maniwala ka sa ob mo. And ipacheck mo if my ultrasound ka. Para macheck niya mabuti. Ganyan aq sa baby ko. Maliit sya . Kasi d na pala lumalaki sa tyan ko dahil sa hb ko at nauubos ung panubigan q. Nilabas ko sya ng 36weeks ng 1kg lng ... Consult lng po agad sa ob mo po.. Tsaka di po tinitigil ang vitamins na prescribed . Kasi para kay baby po un.
condolence momsh 😢 meron ng magbabantay sayo, my angel ka na.. hirap talaga pag hb ka. pray lang momsh..
kain ka po mga my protein food iwas lang sa carbs mommy ganun din ako firstcheck up ko sa ob maliit c baby pina inom ako milk 3x a day. 2boiled egg everyday. monggo,fish,chicken,tofu,togue don lang ako nagfucos sa food na sinabi ng ob sakin. hnd ka po tataba peru c baby bibigat po sya ☺️ less rice po
tapoa my ininject sakin ung ob ko po nung nakita sa doppler ultrasound na konti nlng panubigan ko . nung nagpaadmit aq 2 days na inject ng para sa lungs ni baby 2x a day. tas 4 na beses na check ng herart beat ni baby. pray q ung baby mo. nailabas mo na po ba?
biglang laki ng baby ko nung pinagtake ako ng Obimin.. actually pagka 36 weeks ko nga eh pinatigil na ng OB ko kasi if iinumin ko pa daw baka mag 3.5kg si baby pagka 40 weeks, mahihirapan ako hehe, importante ung vitamins momsh sobra.. sana di mo tinigil
Momsh. samin 28 weeks na Baby namin. nun nagpultrasound kami pang 25 weeks ang height at weight ni Baby. sabi ng OB kumaen kami ng more on protein at bigyan kami vitamins na may protein din. baka pwede ka makahingi ng vitamins sa OB mo
Nako po mommy. Napaka importante po ng pag take ng vitamins lalo na para kay baby sa development nya. Itinigil nyo na nga po ung pagtake prescribe vitamins nag da diet papo kayo. Kawawa naman po si baby.
Shaira Mae Cera