Misunderdtanding

Mga momsh share ko lang po, pampalabas mamg sama nang loob. 2 months pa baby ko, and yet gusto ko nang makabili nang crib para magawa ko mga gawain sa bahay nang hindi gaanung nag woworry kay baby, kasi pag sa kama ko lang sya ilagay, hindi ako nakaka focus sa gawaing bahay kasi from time to time kailangan ko syang e check kung tulog ba talaga sya or kung okay lang sya, hindi ko rin sya maiwan pag gising kasi sobrang likot kahit nakatihaya lang sya sa sobrang likot nya nag momove sya kaya kailangan bantayan. And may nakita akong crib sa online barter, pinakita ko sa lip ko nag ask ako nang opinyon nya kung pwede ba bilhin, nag agree naman sya, and then nakipag transact na ko sa may ari nang crib , at okay nah, kaso hindi sya madedeliver sa bahay at nag agree si lip na e pick up, nalang nya. Peru 1 day before meet up, biglang nag bago, isip ni lip, bigla nalang nyang sinabi na hindi pa raw kailangan nang baby bili nalang raw kami next ayaw nyang e pick up magastos daw, eh may pera naman para dun. Kaya nagalit ako sinabihan ko sya, dapat nag suggest nung hinihingi ko suggestion, nya lage nalang nyang sinasabi na ako masusunod tapos, ngayon mag rereklamo. Pwede naman sinabi nung kinakausap ko pa si seller, kaya nag cancel, nalang ako nang order, hindi rin naman kasi pwedeng ako mag pick up kasi full breast feed baby ko at hindi ako gjmagamit nang pump. Naiinis ako sa lip, ko dahil sa dalawang bagay. First hindi nya iniisip kung ano mag papagaan sa trabaho ko sa bahay, dinuduyan ko na si baby kahit papaano, hindi ko kailangang e check time to time si baby pag tulog at hindi ko na kailangan kargahin ulit pag magigising sya para makatulog konting yug2x lang tulog na ulit. Second pag meron kaming napag uusapan na kailangan nang mga desisyon lage lang nyang sinasabi na ako daw bahala, desisyon ko raw sinusunod nya, tapos magsasuggest huli na. Mabait naman asawa ko, maalaga at mahaba ang pasensya peru minsan may pagka inconsiderate di nya tinitignan minsan, kung san ako naiinis or kung san ako nahihirapan. Hinihintay nya lang go signal ko, para akong may partner na robot hindi kasi sa lahat nang oras nasasabi natin sa partner natin kung san tayo nahihirapan, naiinis or nasasaktan hindi naman kasi sa lahat nang oras kailangan sabihin sa kanila ang lahat gusto ko lang naman magkaroon sya nang initiative minsan sa mga nararamdaman ko Napahaba ata momsh, salamat sa pagbasa. #FTM Respect post

2 Replies

try mo iexplain ulit ng maayos. ikaw nmn kasi ang nagaalaga at nhihirapan. dapat tinutulungN ka ng asawa mo na mpagaan trabaho mo sa bahay at pagaalaga sa baby nyo. mas madami pa pros kesa cons. paliwanag mo ulit sa kanya ng maayos

Tinutulungan nga po ako minsan pag wala syang work, peru most of the days may work sya kaya gusto kong makabili nang crib.

mommy my crib naman po ung kahoy 600 lang malaking tulong tlga ang crib lalo na satin mga nanay kasi mkaka kilos tyo ng maayos ung crib ng anak ko hanggang 3 years old nagamit nya tlga ..

Kaya nga po lip ko pinapick up ko kasi baka masinat ako sa bigat at full breast feed po.ako.

Trending na Tanong