Covid 19 Positive
Hello mga momsh. Sept 11 po 37 weeks na si baby. Nagpositive po sa Covid si hubby nung August 28. Nagpaswab din po ako noong August 31 since required ng ospital na papanganakan ko sana then unfortunately naexposed din kasi ako kay hubby. So ayun positive din po ako as per swab test. Pero wala akong any symptoms. May panlasa at pang amoy din ako. As per my obgyne good sign po yun as long as Di ako hirap huminga at active si baby. Sobrang likot nya pa din. Inadvise ako ng home quarantine for 14 days and sana late lumabas si baby kasi malayo yung ospital na tumatanggap ng covid patient na manganganak. So far, okay naman kami ni baby at nagnegative na si hubby sa swab nya ulit. Nakalabas na din sya sa ospital. Kinailangan nya kasi maiadmit dahil nagkaroon sya ng kumplikasyon sa puso gawa ng virus. FTM here. Pls pray for us na sana gumaling na ako at makinig si baby na medyo late na sya lumabas. Covid is real mga mommies. Ingat po. Tingin namin sa grocery or sa tollgate nakuha ni hubby yung virus. Di po ako lumalabas ng bahay unless check up sa ospital kaya si hubby ang exposed sa risks of getting the virus. Pls pls pls ingat po. Ang mahal ng binayaran namin sa pagkakaospital nya kahit may HMO. Iba ang rate ng professional fee ng doctor in terms of handling ng covid patient. #firstbaby #1stimemom #sharingiscaring #theasianparentph #covid19