Maternity Leave

Hi mga momsh! Sa mga working dito, ilang weeeks na tiyan niyo bago kayo nag maternity leave?

35 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello po, sa company po namin ang start ng maternity leave is yung actual date po na nanganak kayo. Iaadvice lang sila ng date para mabilang kung kelan kayo babalik. Try niyo po sa company niyo baka ganun din ang set up. If gusto po ng employee na mag advance leave pwede po gamitin SL, ipapasok na lang po sa sss sickness benefit para bayad pa din if in case maubos ang SL credits. Thanks po. God bless us po.

Magbasa pa

EDD ko po is August 19 so nagpaalam na ako sa employer ko na August 1 start na ng maternity leave ko. Nasunod pa rin naman siya kaso lang July 31 schedule ko ng checkup kay OB and plano ko after my checkup diretso work na ako, hindi na ako nakapasok sa work kasi need na ako i-admit kasi 3-4cm na pala ako that time. Wala din akong nararamdaman pa that time. Then I gave birth ng August 1st. Hehe ☺️

Magbasa pa
VIP Member

ako mamsh inallow na ko ng company ko ng 33 weeks pa lang. Pero balak ko pa sya ituloy hanggang 35 or 36 weeks. Para may prep time and sahod pa. sayang kasi ee. WFH din ako kaso hirap na umupo ng sobrang tagal plus my slip disc din kaya laging umaatake kasi malaki na din yung tyan ko. 😊😊 pero depende po sa company mo and depende sayo if kaya mo pa. ❤️❤️❤️

Magbasa pa

Start ng maternity leave ko is the day na mangangak nako but allowed naman sa company namin mag leave of absense pag dina kaya. I plan na mag LOA na by november due date ko is dec 10, 2021. Para may time pako mamsh pag exercise and to prepare din since this is my first baby. Wfh set up din ako now kaso lang I work graveyard shift din po kasi since bpo ako nagwowork.

Magbasa pa
3y ago

parehas tayo. baby boy din sakin 😁 nakakatuwa kapag kinikwento ko sa kasama ko na preggy ako, sumisipa sya. nakikisama sa usapan. 😂 pag labas ng baby natin mam at sir ang alam nito sabihin. 😂 expert na din to sa process namin. 😂😂

VIP Member

ako po maglileave na sept. 17 . due ko Oct. 17.. bale turning 36weeks ako ng sept. 19. Pra mkapagwalking ako and other stuffs na gngwa pra di medyo madali ang panganganak. Ang start kc ng count ng matLeave kung kailan ka hndi na papasok. tinantya ko nlng.

on the day na manganak na lang ako yun po plano ko na magfile ng maternity leave Kasi Sayang din yung days na naka ml ka na since 105 calendar days pa naman yung allowed. para mas mahaba din bonding namin ni baby.

Ako 6 weeks palang furlough na agad kay company kaya nakaka depressed. Protocol nila since high risk daw po ang Buntis ngayong pandemic , grabe nakaka inip sa bahay 😪 Tapos due ko pa po is next year pa 😭

3y ago

awww sayang din, mabuti di ganyan company ko maamshii.

pang 35weeks ako magleave. wfh naman ako pero stress n din kc sa office. Pang 37weeks ni baby ay sa 3rd week of October sana wag sya magmadali lumabas para makapahinga, exercise at makapagprepare pa ko

Ako force leaveD. 11 wks. P lng ako nun. Protocol kasi sa pinagtatrabahuan ko. Bawal buntis kaya automatic pag nalaman na buntis ka force leave na. Sayang nga eh. Kahit kaya pang mag-work.

VIP Member

may EDD is Oct. 27-30 although sabi ni OB it could be earlier than that..kaya ang finile ko start ng ML ko is Oct. 15..around 38weeks nako that time 😊tutal WFH naman ako pwede sagarin