EMOTIONALLY SENSITIVE
Hi mga momsh! question lang po kung emotionally sensitive din ba po kayo sa lahat ng bagay habang preggy Kayo? Yung tipong feeling mo lahat may connection or deep meaning para sayo? hays 32weeks and 2days preggy po ako at ngayon ko lang po naramdaman yung gantong pakiramdam, naging sobrang mababaw din luha ko at nalulungkot din po ako sa di ko Alam na dahilan, sobrang bigat sa kalooban at napakahirap po 😔 #1stimemom #advicepls #respect
Normal lang po, momsh. Ako simula nung nagbuntis ako sobrang naging emotionally sensitive ako. Mabilis akong maiyak. Naiinis nga lang or hindi lang ako mapagbigyan ni hubby sa gusto ko naiiyak ako nun. Medyo nababawasan lang as time goes by though feel ko na meron pa rin hanggat di ako nanganganak. 😅
Magbasa paSame po tau mommy ganyan na ganyan din po ako yong tipong umiiyak ka sa isang mababaw na dahilan haysss sobrang babaw ng luha ko maliit na bagay lang napakabigat na sa loob,,32 weeks and 3 days preggy ❤️ don't worr di po kau nag iisa😘
hi momsh sabay Lang po pala Tayo, malalampasan din natin to ❣️
Normal lang po yan sis, ako nung 6 weeks onwards ko naramdaman tapos nawala ngayong nasa 36 weeks ako grabe na naman palala ng palala pagka sensitive ko, dahil sa hormones yan eh.
try lang mag go with the flow. kapag naiiyak ako sa mga bagay bagay umiiyak ako ng silent lang. pero sis sinabi ko na sa husband ko na naging sensitive ako sa mga bagay bagay kasi buntis ako natural sa akin yun naintindihan naman nya. try mo rin sis explain sa kanya ano ang pakiramdam mo ako kasi sis lahat ng nararamdaman ko shineshare ko para di sya magtaka talaga at baka matulungan ka pa nya icheer up. yung husband ko sis lagi akong chinecheer up pero nung first trimester ko lagi kami nagaaway dahil sa emotional sensitive ako feeling nya kasi iniiwasan ko sya noon at nung 2nd trimester naging okay kami dahil di na ako emotional sensitive noon then ngayong last tri ko na parang bumalik pagkasensitive ko sinabi ko na sa kanya na parang bumalik nga ayun hands-on sya talaga sa akin at okay kami ngayon. basta sis share share mo lang sa kanya yung nafi feel mo lahat para di sya nagtataka at para alam nya di easy ang journey ng pagbubuntis at maintindihan ka nya kaysa mairita.
Yes, normal lang na mas sensitive during pregnancy dahil na rin sa hormones.
yes po. ang hirap pigilan di maiyak lalo na kung mismong partner mo yung dahilan.
true po Yan, kahit di Naman para sakin yung sasabihin mo hubby, minsan nalulungkot ako feeling ko para sakin yon hays parang baliw Lang 🤣
yes.. hehe super insecure din during my entire pregnancy
ako din momsh may time na nagsasabi ako bat pag ibang buntis ang Ganda Ganda tapos pag sakin Hindi Ganon ehehe
yes that's normal
Mommy of Jubal Isaac ❤️