Ganito ba talaga

Hi mga momsh. Pangatlong pregnancy ko na to. My youngest is going 6 years old and my second is 13 months old. And now I'm 32 weeks preggy. Hindi ko alam kung sa hormones ko lang to kung bakit napaka sensitive ko like konting salita sumasama na loob ko. Napakahirap para sa akin na habang may inaalagaan akong dalawang bata eh nagbubuntis nanaman ulit ako tapos hindi ko lang maikilos yung ibang gawain tamad na agad ako sa paningin ng mister ko. Sya pag uwi galing work mag cecellphone agad o kaya pupunta agad ng billaran. Ako hugas linis alaga ng bata luto except lang sa pag lalaba hindi ko talaga sya kaya noon pa man. Nakakabwisit lang minsan na pag sabihan ka na " bakit ako naman bumili nyan ah, tamad ka naman talaga, magtipid ka naman napakagastos mo etc." Hindi na nga ako tinutulungan sa gawaing bahay nagagawa pa akong pagsalitaan ng hindi maganda. Napakasipag naman nya dati tinutulungan nya ako sa gawaing bahay pero ngayon wala na haring hari nalang ang dating kesyo nanawa na daw sya sa ugali ko panahon na man daw para asikasuhin ko sya na sya naman daw pag laan ko ng oras ko.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

😔 hirap naman nyan mommy, kung kelan need mo ng support emotional and physical, ngayon pa nag ganyan si mister. Since ganyan na sya, ikaw lang din makakatulong sa sarili mo, isipin mo na lang mga baby mo, para sakanila yung ginagawa mo, kaya wag ka na magpakastress kay mister kasi makakaaffect yan sa pinagbubuntis mo ngayon..ano pat lilipas din yung panibagong araw di mo namamalayan, manganganak ka na, tas malalaki na sila, tutulungan ka nila balang araw at hindi ka na mahihirapan.. Pray lang po,kung galit ka, isipin muna mga sasabihin bago ilabas sa bibig para iwas away.. Tiis lang mommy,dyan naman po tayo expert, sa pagtitiis. Makakayanan mo din yan.

Magbasa pa
5y ago

Kaya nga momsh eh buti nga at nalaman ko tong apps nato kahit paano nailalabas ko mga hinaing ko. Kailangan ko talaga ng mahabang pasensya momsh😅😅