Mga momsh, pahelp naman. Ftm po ako kaya di pa ganun karami ang alam ko. Ebf po ako sa baby ko na 6 days old. Ilang oras ba dapat ang pagitan kapag papadedein ko sya? Tsaka dapat ba may oras yung pag latch nya sakin? Natatakot kasi ako baka ma-over feed sya kapag hinayaan ko lang syang naka-latch. Medyo malakas din kasi yung gatas ko dahil minsan natulo nalang bigla sa damit ko kaya basang basa. O hayaan ko nalang na si baby yung kusang bumitaw sa nipple ko? Tsaka isa pa pala sa mga problem ko, hirap ako padighayin si baby. Pagtapos ko sya padedein lagi ko syang tinatry ipa-burp kahit hirap na hirap ako pano ko sya ipupwesto. Minsan di ko marinig na nadighay baby ko kapag after nya dumede. Pano ba dapat tamang gawin para maka-burp si baby? Tapos madalas din umutot si baby. Sana mabigyan nyo ko ng advice mga mommy. Thank you in advance ?

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Since super baby pa nya, wala naman time ang pagdede nya. Hayaan lang po hanggat gusto. Kusa naman sya aayaw at iluluwa ang nipple pag okay na sya. Yung burping need sya para di kabagan. May mga burp naman na di tlga malakas saka if ever nakatulog sya kaya di magburp, try nyo padin pasighayin pag gising. Also okay din na utot sya ng utot. Lalo kamo di sya makaburp. Atleast lumalabas padin ang hangin. Iwas kabag.

Magbasa pa

Based sa seminar about breastfeeding na attendan ko, ok lang mag unli latch si baby. Sila naman ang kusang titigil mag suck. If ever man mag overfeed isusuka lang nila yan. Better na Yun kesa mag underfeed Ka. Wag mo sya tatanggalin sa latch Hayaan mo Lang na mag let go sya ng kusa.

Hayaan nyo lang po maglatch si baby sa inyo lalo kapag ebf.

5y ago

Pag ebf po walang overfeeding kasi si baby mismo ang nagkokontrol nun, kusa silang bibitaw pag full na

VIP Member

Hayaan mo lang siya dumede hanggat gusto nya sis

Baka po makatulong ito.

Post reply image