Feelings

Hi mga momsh pa labas lang ng sama ng loob. FTM here. Sa mga FTM, the moment na nalaman nating buntis tayo syempre halo halong emotions agad ang naramdaman natin. Nanjang excited, kabado, masaya, natatakot especially sa mga hindi pa ready. Minsan nga hindi pa agad agad mag si-sync sa iba. Pero once na makita at marinig na natin ang heartbeat ni baby for the first time maiiyak ka nalang sa sobrang saya. At habang lumalaki ang tummy natin kung anu-ano na naiisip or naiimagine natin. Preparations niyo ni hubby para kay baby, kung pano ang magiging life niyo as a family etc. Nakakalungkot lang na kung kailan konting kembot nalang lalabas na si baby tsaka kayo magkaka problema. Tsaka ka iiwan ni hubby just to find out na meron ng iba. I mean WTF diba?! How can someone be so insensitive and so selfish?! Sorry long post sobrang nakakasama lang kasi talaga ng loob ?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Alam mo ma nangyari saken yan but not exactly. May nabasa lang akong chat sa phone ni lip a month bago ko manganak iniyak ko ng iniyak. Ready nako nun lumayas sa poder ng family niya kung di lang nagmakaawa. Ngayun 5months na si baby okay okay naman kahit pano. Payo ko lang ma pakatatag ka, di naten kailangan ng mga lalaking walang bayag sa ganitong bagay masakit man pero kung tayo lang din mahihirapan at si baby let go nalang.

Magbasa pa
5y ago

I'm glad naging ok parin kayo ng lip mo. I know momsh si baby nalang talaga iniisip ko at hinuhugutan ko ng lakas ng loob at syempre dasal rin. Hindi ko lang kasi talaga maintindihan kung anong tumatakbo sa isip ng mga ganong klaseng tao at napaka intindihin ko pa namang tao. Tapos sasabihan ka na alam nila obligasyon nila sa bata? So kapag nagbigay sila ng pera ok na quits? Pwede na sila matawag na "ama"? Ano naman akala nila sa mga anak nila utang sa bumbay?! Nakakaawa lang talaga ang baby dahil hindi pa man din siya lumalabas broken family na agad sasalubong sa kanya 😔