8 Replies
dear, mahirap nga yan lalo na maselan ung pagbubuntis mo. nung kay panganay ko, walang wala din kami ni hubby tapos pinag bed rest pa ako ng maaga ni OB kc maaga bumaba si baby agad (no work, no pay ako nun). para mabuo ung pondo pampa anak ko nun, nangutang talaga kami. pero gnawa ko is hinati hati. like 50k ung target ko (in case ma CS pandagdag sa SSS), hindi namin nilapit un sa isang tao lang kc suntok sa buwan ang magpapautang ng ganun kalaki. So ayun, 3 tao nilapitan, mahati hati lang. may 30k, tapos tag 10k naman sa 2. awa ni lord d kami umabot sa mga nagpapa porsyento dahil d talaga kakayanin magbayad lalo na d naman ako agad makakapag work after panganak. niready ko na rin ung mindset ko na pwedeng mag lying in ako or magpublic. Niconsider ko na rin na sa province na manganak para mas mura. sa case mo po ngaun, magastos talaga ang gamutan lalo na maselan pagbubuntis. pagdating sa gamot, kung may generics, un na po bilhin mo. effective naman un. sakaling lumaki gastos nyo sa ngaun pa lang, iadjust nyo po ung sa panganganak like lying in vs mag private. after all, pag naging maayos ung pagbubuntis mo, baka mainormal mo si baby. tiwala lang dear. d kayo papabayaan ni Lord
Pag dating sa check up sis try mo din sa mga barangay health center or municipal health center. Sa panganganak gawin mo din option yung sa municipal health center mo. Samin kase kung may philhealth ka, wala pang 1k gagastusin mo sa normal delivery. Sa vitamins go for generic ka pwede ka naman magsabi sa magrereseta sayo. Sa gamit baka may mga relatives ka na pwede magbigay nalang muna sayo, pwede ka naman na bumili kapag nakapag work ka na. Wag mo masyado i-stress sarili mo sis kase nararamdaman din ni baby kapag sad at stress ka. Think positive lang. Kaya niyo yan. May mga way din kayong maiisip para makamura sa gastos ☺
Sis pag nadedepress ka mas lalong nakakabahala kasi kung ano nafefeel mo yun din nafefeel ni baby. Hmm hindi ba pwede kung parents mo muna umalalay sayo? Mahirap nga naman kasi talaga kung parehas sa inyo walang napagkukunan ng pera. Pray lang sis. Lahat ng yan malalampasan mo. Godbless
Merong Philhealth and if member ka ng SSS makaka kuha ka ng benefit/s na makakatulong sa gastusin mo sa panganganak, think positive lng mamsh malalagpasan mo rin ung ganyang phase na pagsubok sa buhay
Mamsh bedrest ka lang. Kung kaya mo maglaptop, try mo maghanap ng work-from-home online. Kung hindi naman, pasubukin mo si hubby. Or luto-luto kayo kahit mga konting mapagkakakitaan lang
try po niyo home based jobs o kahit si hubby,try nio apply sa QA World transcriber
Kyng ks lang dun ka po muna sa parents mo. Kase don sure a maalagaan ka
Home business, or online.
Anonymous