Feminine wash and perfume

Hello mga momsh. Mag 3 months na po ako nanganak, pwede na po ba gumamit ng feminine wash and perfume? Ano po kaya magandang feminine wash and perfume? After giving birth po kasi parang nagkaroon ng amoy yung femi ko kaya want ko sana gumamit rin ng perfume.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

after delivery nakagyne pro na ko as instructed ng ob ko, 2x a day nung may bleeding pa then 2x a week nung nawala na ang pagdurugo. i dont use perfume kasi naiirita baby ko sa amoy, iyak sya ng iyak na parang di nya ko kilala kahit buhat ko sya, at di sya nadede sakin pag nagpabango ako or gumamit ako ng lotion na may amoy. kaya kahit lotion, fragrance free (cetaphil) i suggest na magpacheck up ka sa OB mo to make sure na walang infection since smelly yung private area mo.. normal na may mild smell pero kung talagang maamoy talaga as in, possible sign ng infection kasi yun

Magbasa pa

Feminine wash pwede na. As soon as after giving birth pwede naman na gumamit. During pregnancy gyne pro suggest ni ob, pero after pregnancy betadine wash pinagamit niya since may perineal tear ako. Siguro you can use either one kasi recommended yang mga brand na yan ng ob. Sa perfume naman kung nag wowork ka pwede naman as long as di masinghot ni LO kasi sensitive pa pang amoy nila.

Magbasa pa