Hello mga momsh, I'm a mother of 9 month old baby boy who works as a Medrep. Yung baby ko is nasa province namin which is 2 hrs away sa akin kase in the first place walang magbabantay nya, wala pa kaming nakitang katulong so nasa mama at sister ko muna sya. Every friday evening to sunday evening ko lang sya kapiling. Nahihirapan lang talaga akong e-balance ang sitwasyon namin. Sa workload naman grabe talaga ang toxic namin at draining talaga sya, minsan nga akong na personal ng boss ko. Hindi ako kumuquota na. Talagang nahihirapan ako. Gusto ko nang mag quit sa work para ako nalang mag aalaga ng anak ko at iwan ko nalang husband ko dito sa city kase nangungupahan lang kami at doon kami ng anak ko sa province ko. Maraming bagay akong na kinoconsider kase marami akong mga bayarin. Baka d ma maintain ng husband ko. araw araw akong bumangon para sa trabaho na feeling ko walang direction, yung routine ko is the usual na. Gusto ko nang nag quit sa work kase d na ako masaya pero half of me gusto din mag stay sa bakasakaling baka next year maganda na naman performance ko sa area. I need to hear your side mga momsh, if kayo nasa lugar ko. D ko na kase alam ang dapat kong gawin.