Spotting first trimester - normal po ba?

Hello mga momsh. I’m 11weeks pregnant and naka Hybrid set up sa office. Tuwing pumapasok ako ng office, usually nagkakaroon ako ng spotting pag uwi ko ng bahay. Is this normal po ba? The last time na nagpacheck up ako, advise sakin ng doctor nothing to worry about. And nagpa Tvs ako okay naman ang result. Worried ako kasi may ganito akong spotting lagi. Im currently inserting suppository sa aking vagina. please help ano po experiences niyo mga momsh. Thankss

Spotting first trimester - normal po ba?
11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

dati ganyan ako sa 2nd born ko, na diagnose ako nang treatened abortion kasi di ko inagapan agad lead to bleeding, akala ko kasi dati normal lang no pain din kase tapos nag pa check up ako all in all okay naman so ayun dumating yung time nag bleeding ako pero okay namana kasi bed rest ako low lying tsaka nireseta lang nang pampakapit iinumin tsaka suppository.

Magbasa pa

I experienced the same po couple of weeks ago. After ko ma-diagnose and ma-confine ng threatened abortion. Pa-check ka pong urine baka may infection, in my case naman I had to do pap smear n'on na-exp ko 'yan if it was a discharge thankfully it has nothing to do with that po. Consult po si OB need. Ingat po.

Magbasa pa

nag bleeding po ako noon 14 weeks direstso ako ER then upon checking closed cervix yet low lying placenta pala ako..previa...with contraction kaya na confine ako ng 7 days sa ospital....nag pepreterm labor na pala ..buti naagapan c baby..pero bedrest na ko up to now due to previa..

no po. never naging normal magspot pag buntis UNLESS manganganak na po. pls see your OB asap pag may spotting or any form of bleeding. probably need mo ng total bedrest pag ganyan with increase dose ng pampakapit. (sakin nun 3months ako nagpampakapit)

Magbasa pa

maliit lang spotting ko nun peo nagdecide na me na magleave muna sa work, 1 year un finile kong leave. ilang beses na rin kasi me nakunan kaya grabe takot ko pag buntis ako. pahinga lang need mo marse

usually pg may spotting, bedrest po. sa case ko wla ko spotting pero may subchorionic hemorrhage sa TVS ko kya bedrest ako ng 3 weeks then pinapainom ako ng pampakapit

Hindi po normal. Lalo na nasa 11 weeks pa lang kayo. Critical stage pa. You need to consult your OB, or hanap ka ibang OB.

bleeding isnt normal po eh. nung nag bleeding ako may pampakapit na nireseta sa akin tapos bedrest.

Hindi normal ang bleeding sa buntis kaya mag pa check up kana po para maresetahan pampakapit

wag masyadong pakastress momsh ..Relax lang maselan ka po