Trying to Conceive after Miscarriage:

Hi mga momsh, i have miscarriage 2 months ago๐Ÿ˜”. 1st baby namin sana yon. Ngayon nag try na kami mag conceive ni hubby ko since naka 2 cycle na akong mens. Ngayon pinai-inom ko sya ng Rogin E. Ako naman Myra 400 E, folic Acid, ferrous at Ascorbic Acid. Okay kaya yon? Sana may makasagot. Salamat!

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes. Ayos lang naman yang mga tinatake nila pero ako nung TTC kami ni hubby dahil na miscarriage din ako, folic lang. Ang satingin ko po na makakatulong sneo na umeffect din samin is sinamahan namin ng healthy diet then iwas sa sigarilyo or alak si mister at iwas stress naman ako. Kung wala namang bisyo si hubby, mas okay. Then kung regular ang menstruation mo po, try nyo po itrack kung kelan ang fertile week nyo. Kung kaya nyo po everyday mag do sa fertile week mas maganda or every other day pag di kaya. Pero need syempre ng patience at prayers sis. Kasi ako Feb 2022 nagstart magtake ng vitamins, akala ko nga mabubuntis ako agad. Di pala yun ganun. Nagdu-do kami ni hubby pero magustuhan lang. NagPPT ako pero di kami pinapalad na magpositive siguro kasi by that time di pa kami healthy living ni hubby. Pero by April don talaga kami mas naging desido. Medyo challenging. Iwas stress dapat. Iwas bisyo si hubby. Then di kaya ng everyday do dahil sa pagod sa work pero still we try our best. Then, di rin agad ako natayo after do. Naglalagay ako ng unan sa ilalim ng balakang kapag ready na si hubby and stay muna ng ilang minuto before magwash. Nagpray din ako maigi. And naging worth it naman ang pagtatry nung April kasi nabuntis agad ako. Pregnant na ako now. 13w2d. Saktong sa LMP ang sukat sa ultrasound. Low Risk Pregnancy pero alaga padin sa OB. Konting may nararamdaman ako, talagang kinoconcern ko agad sa OB ko kahit magastos sa check up, go lang. Para kay baby at para di na maulit yung nangyari nung una. ๐ŸŒˆHoping na magkababy ka na din soon. โ˜บ๏ธ๐Ÿ™

Magbasa pa
Related Articles